"Even the coldest decision can still bring warmth through other's heart." -chinimiea-
Days ran fast.
Nagsimula na kami sa practice at naging seryoso sa bawat oras na igugugol para matapos nang maganda ang performance namin. Our adviser badly wants to get the award of "Talent of the Year" and to be honored as the teacher of best talented club for a year. Gusto rin naman namin dahil achievement 'yon at dagdag sa grades kahit na alam ko sa sarili kong 'di ko na kailangan 'to, nag-eenjoy kasi ako rito kasana sila at pakiramdam ko nakatakas ako sa mundong ginagalawan ko.
I remember what my father said few weeks ago.
"Sige, bahala ka. Gawin mo ang gusto mo ngayon, pagbibigyan kita pero sa oras na makitaan kita ng mali dahil dyan...You better prepare a good defense."
Nakatitig ako sa kanya habang nagsesermon siya. Tita help me, she just help me. It took a long argue in breakfast until he said it.
"One day, you will regret disobeying me."
Pasimple akong ngumiti. Oh, Dad, you are wrong. I promised myself I will never regret freeing a part of me.
"Oh! Ano yan ha?! Ayusin nyo, itaas yan, bukaka!"
Halos karamihan ay napatalon sa biglaang sigaw ni Sir Roy. Nasa may sulok ng stage ako nakapwesto habang nakasquat at nakataas ang dalawang kamay. Ang mga kasama ko (Salli, Joy, and Draquen) ay malalapit lang sa akin maliban kay Gino na nakaupo sa sahig at nakabungisngis samin.
"Iba talaga kapag hayop sumayaw, laging nasasalba sa parusa," napapailing si Joy habang pinagmamasdan ang kaibigan.
Mahigit isang metro lang ang layo namin, sumabat naman si Salli na nasa harap ko lang.
"Sarap niyang hayupin. Mukha siya unggoy."
Hindi ko napigilang matawa at ganoon din ang mga malapit na nakarinig.
"Bakit rin kasi kalahi ka ng mga stick kung sumayaw, Elle?" buga ni Salli. Napasimangot naman ako.
Bwiset.
Oo matigas ang katawan ko, but she dare to said that? No one since ever do that to me. Kung sa ibang pagkakataon siguro ay maiinsulto ako at magsasalita din ng masama pero nagbago na yata ang ihip ng hangin ngayon. Nasanay na ako. Simula pa noong nakaraan nang makita akong sumayaw, silang apat ang laging nang-aasar sakin. Yung iba ay nananahimik lang, siguro dahil kahit kilala na talaga nila ako, hindi ko pa rin sila close tulad ng tatlong to para magjoke ng ganito. Ayos na ang civil treatment na binibigay nila at ganoon din ako.
"Umayos kayo! Ilang linggo na lang at wala pa tayo sa kalahati. Paano tayo mananalo? Kung gusto niyo talaga magseryoso kayo." Halos maputol ang litid niya sa kakasigaw. Kanina pa siya ganyan eh. Napakasaya ni Sir kausap at kasama pero ngayon para siyang halimaw, sobrang strict. Sakto namang dumating ang isang kasama dala ang charger ng speaker. "Aba'y antagal mo naman? Sumali ka sa kanila."
"Kaya napapanot eh. Beast mode. Kung makapa-squat akala mo cheerdance ang ginagawa natin," narinig kong reklamo ni Draquen.
Mahigit limang minuto pa bago kami nagpractice ulit. Masakit ang hita at mga braso pero pinagbutihan na sa takot sa maparusahan ulit. Whole day ang practice namin at ganoon din sa ibang clubs dahil nga binibigyan ng school angmga orgs para maghanda. Sa theater room kami nagpapractice habang ang iba ay sa court, field, quadrangle o sa kahit saang pwede.
Dumating ang uwian at hapong hapo na kami. I already felt my own heat releasing from my body. This is the first time I got so physically exhausted and I can say it's fun, though.
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Teen Fiction"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...