"Ayoko nga! Ang baduy mo!""Sus! Ang ganda kaya! Sayo ang pangit!"
Hinampas ni Salli si Gino at tumatawang napailing na lang si Joy. Pabilog kaming lahat na nakaupo sa stage ng mismong theater room.
"Punyeta kang tuko ka, paepal, walang dulot! Ampanget mo kasing pangit ng suggestion mo,"nanggagalaiting sabi ni Salli. Nagtago naman kaagad si Gino kay Draquen na tumatawa, handang handa na kasing sumugod.
Nakitawa ako sa kanila pati na rin ang ibang members na nasa loob ng theater room. Hindi ko pa sila halos kilala pero ayos na sakin sina Salli at ang grupo niya. I don't need more especially if fake.
"Tama na nga yan, baka kayo magkatuluyan sa huli," awat ni Sir Roy na kakarating lang.
Pareho namang ngumiwi ang dalawa at umaktong kinikilabutan. Napuno naman ng kantyawan at tawa sa loob ng silid.
Ilang araw matapos ang nakaraang meeting ay nagpatawag ang adviser ng club namin ng meeting para sa FOT na gaganapin at halos lahat ng students ay dumating. Ang mga ibang club ay marahil ganito na rin ang ginagawa. We were at the middle of brainstorming nang mang-asaran ang dalawa.
Our adviser started to explain the upcoming event and everything about the club. Mataman kaming nakikinig habang seryosong nagsasalita si Sir Roy sa harap namin at nakaupo sa isang monoblock.
"Gagawin nating modern ang performance, kakanta at sasayaw gamit ang mga modern songs. Like a band."
"Edi multi-tasking pala to!" Singit Ken na kasamahan namin. Nagtawanan kami.
Ngumiti si Sir. "Parang ganoon na nga, pansin ko kasing masyado nang naboring mga tao sa puro classical songs and acts. We need improvements. I already talked to the council at pumayag na i-upgrade ang club."
Napatango kaming lahat. It's true, sa una lang sumikat ang theater musical club dito kalaunan nalaos dahil di naman entertaining at nakakantok daw. I watched it before at totoo nga na naantok lang ako pero ngayon nandito na ako. It's funny.
"Sir! Bakit mo binago?" Reklamo ni Salli.
"It's the only way to get a chance of winning the event. Matagal na rin kasi ang huling tikim ko ng tagumpay mula sa club na 'to," tumawa siya. "So, may theme na ba tayo?"
Halos sabay nangasim ang mga mukha namin. Ang totoo wala kaming naisip dahil sa dalawang aso't pusa. Natawa ang guro sa mga mukha namin.
Naramdaman ko ang ulong pumatong sa balikat ko.
"Bakit?" Nilingon ko si Draquen na nakangiting nakatanaw sa kanila.
"Hmm, wala lang,"he chuckled. "Bango mo, loves."
Pasimple ko naman siyang binatukan, naramdaman ko ring uminit ang pisngi ko. "Stop that."
He knows what I mean. Nakatingala siya sa akin at nagpainosente. "Sabi ko nga Elle. Bagay naman ang loves ah?"
I almost rolled my eyes at him. Sa mahigit tatlong linggo mula nang makilala ko siya nalaman kong sobrang clingy niya. Madikit sa mga kaibigan niya pero mas malala yata sa akin. Sometimes, I'll be annoyed or even mad but at times I just found myself comfortably hanging up with him... with them.
Nanliit ang mga mata ko sa kanya. "Tell me, may gusto ka ba sa'kin?"
Ngumuso siya at parang pinipigilang matawa. "Sabihin nating--"
Malakas na nangibabaw ang mga tikhim ng mga kasama namin. Halos mapatalon ako sa gulat at namula dahil lahat sila nakatingin sa amin. Umayos naman si Draquen ng upo saka humalakhak.
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Ficção Adolescente"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...