Chapter 20

12 2 0
                                    

Nanatili akong nakatayo ilang metro mula sa kanila. Nakangiti silang lahat ng maliwanang sa akin habang sinusuyod ang kabuoan ko. Habang ako naman ay pinipigilan maging bastos at umirap. Sa tingin ko ay alam ko 'to.

My good father is getting crazy again!

Nakapikit akong huminga ng malalim saka pilit na ngumiti sa mga bisita at tumango bago bumaling sa ama ko.

"Dad, what is this?" Kalmado ngunit mariin kong tanong na siguradong makukuha niya.

Saglit na dumilim ang mukha niya bago ngumiti ulit. "Magpalit ka muna, anak. Then we will talk to them."

Nalipat ang atensyon ko kay Kuya na nakaupo sa sofa at kaharap rin ang mga bisita. Nakatingin siya sa akin ng seryoso. Tanging si Dad lang ang nakatayo. Mabilis kong pinasadahan ng tingin ang bahay upang kumuha ng karampot na pasensya, wala sila Tita, mukhang umalis.

Huminga ulit ako ng malalim. "Dad--"

"Hija, magpalit ka muna," lumapit siya sa akin at hinawakan ang siko para igiya ako paakyat. Doon lumabas ang matalim niyang tingin. "Don't fail me," mariin niyang bulong sa kabila ng marahan niyang hawak. "Huwag mo akong ipahiya, Elle."

Labag man sa kalooban ko, sumisigaw man ng pagtanggi ang utak ko, pilit man kumakawala ang salitang pinipigilan ko ay sinunod ko siya. Tahimik kong ginawa ang mga sinabi niya, nag-ayos ako para magmukhang presentable saka humarap sa kanila. Agad na umulan ng papuri.

"She's really beautiful, so elegant and classy!"

Humalakhak ng may pagmamalaki si Daddy. "She is! And very intelligent!"

"Really? Then Elle and Clyde would really get along..."

It was like forever. Pilit kong ngumiti at paminsang sumagot sa mga tanong nila kahit na unti-unti ng dumidilim at sumasama ang pakiramdam ko. Tinitigan ko ang lalaking anak nila na parang walang pakialam at pangisi-ngisi lang.

I hate it. Dapat tumanggi siya! Nalaman ko pang mas matanda siya ng apat na taon sakin na mas iginagalit ko. Halos magkaedad na sila ni Kuya! Buti sana kung dalawang taon lang just like Draquen, but that doesn't mean I'll accept him. Hindi ako basta-basta nagpapapasok ng estranghero sa buhay ko.

Why am I comparing this guy to a friend? He's not worthy.

Kaibigan daw ni Dad ang mga bisitang 'yon at napadalaw lang rito. As if, I would buy it.

Wala na akong imik hanggang sa matapos sila. Dad remain serious and silent. Nagkulong ako sa kwarto at idinahilan na may gagawin pa ako sa school ganoon din sa sumunod na araw. Hinahatiran lamang nila ako ng pagkain at hindi ginulo.

Ang totoo ay nakatihaya lang ako sa kama at nakatitig sa kisame. Tinapos ko na lahat ng gawain at nag-advance reading na ako sa lahat ng subject. Wala na akong ginagawa ngayon.

Heto na naman ang pakiramdam ng nag-iisa. Walang masabihan kahit mayroon naman, walang matakbuhan at tila nakakulong. I can feel it again...

The feeling of  nothing.

Pinikit ko ang mga mata at hinayaan na kumawala ang mga salitang hindi ko masabi sa isip ko.

Why, Elle? Why are you like this! Hindi ka ipinanganak at lumaki sa mundong ito para pangunahan sa buhay, magulang mo man ang nagluwal sayo pero may sarili kang desisyon. You are not born to be like a disabled person! You are you! The only person who can manipulate you is yourself and nothing else!

Why can't you be brave?

Funny, I scold myself hard, forcing myself to speak up but ended up being silent, a mute who let others decides for me.

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon