Chapter 3

56 18 27
                                    


"We don't meet people by accidents.  They are meant to cross our paths for a reason..." -Anonymous

- -

How can life be so cruel? So selfish? No matter how hard I tried but I just can't understand. Should I beg in everything?

Honestly, I'm sick of it. Everything is fuck up.

I cried after Mark dumped me personally. Not that I love him that much. It's because he exchange me with someone whom I trusted before. I cried because I'm afraid to meet another disappointment... again.

Nasa school garden ako ngayon, nakaupo sa bench at pinapakalma ang sarili sa katahimikan. Sayang at sobrang ganda ng lugar na 'to pero naging tambayan lang ng gustong mapag-isa at broken hearted.

Pumikit ako at hinayaang guluhin ng hangin ang buhok ko.

"Hi! Kamusta?"

Napaigtad ako. May biglang nagsalita sa likuran ko.

I wipe my tears. Bago pa man ako makalingon at sumilip na siya sa mukha ko mula sa likod. Lumayo ako ng kaunti at umupo naman siya sa tabi ko.

Sino ba 'to?

Pamilyar ang itsura niya.

Tinuro niya ako at parang hindi siya makapaniwala.

"Oh?"

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"Ikaw 'yon diba?"

"Anong kailangan mo?" Tanong ko.

Ngumuso siya. "Grabe ka, gusto ko lang ng kausap."

What is this guy's motive?
Sinulyapan ko siya. This is not the first time a guy tries to flirt with me and unluckily he was immediately dumped in a minute. This guy over here doen't look like a flirt or something but who knows?

May itsura siya... charming pero nakakainis ang masayahin niyang mukha.

Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa halamang nasa harap ko.

"Ayoko ng kausap. Umalis ka na." I said it directly because I want him to stay away.

Mukha niya pa lang ay hindi ko na makakabati.

"Nakipagbreak na siya sayo?" Tanong niya. "Natutulog ako rito tapos narinig ko--"

Lumingon ako at tinitigan siya ng masama.

"Shut up," mariin kong sabi.

Ngumiti siya ng malapad.

"Hayaan mo 'yon, bata ka pa hindi mo dapat sineseryoso 'yan."

I close my eyes tightly and fist.

"Wala kang alam kaya alis," matalim na ang boses ko nang sinabi 'yon.

"Sabagay baka hindi naman kasi talaga kayo nagmamahalan," sinabi niya at binaliwala ang pagtataboy ko. I was already convinced he heard it all.

"Alis!" Sigaw ko.

Hindi man lang siya natinag. Tumayo siya at pinagpagan ang sarili.

Bawat galaw niya ay sinundan ko ng matalas na tingin hanggang sa sinalubong siya ang mata ko.

He smiled widely. Lalong tumalim ang paningin ko lalo na't tila inaasar pa ako ng mapuputi niyang ngipin.

"No! Ayoko nga!" Ngumuso niya ay binelatan ako.

Really? He acts like a kid.

Hindi ko na napigilan ang ang sarili ko. Ang kaninang lungkot ay napalitan ng nag-uumapaw na inis sa lalaking nasa harap ko.

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon