"GOOD MORNING EVERYONE! We will now start the FESTIVAL OF TALENTS!"Nagkukumahog kaming kumilos sa backstage at halos magsigawan na. Maaga akong dumating pero hindi ko inaasahang mas maaga pa pala ang paghahanda nila sa pagsating ko. Last year kasi ay nag- attendance lang ako pagkatapos ay umuwi na sa bahay at nagmukmok. Abala ang lahat sa pag-aayos at kasama na rin ang ibang club na maghahanda pa lang. Makukulay ang suot nila lalo na sa dance troupe, iba't iba rin naman ang color sa amin kada grupo pero pareho lang ng style.
"Aba! Susmiyo! Bilisan niyo magready mga day!"sigaw ng isang baklang guro nang sumilip sa amin. "Dumiretso kayo sa harapan mamaya. Kailangan nandoon para sa ceremony at manood ng ipeperform ng iba, ah? Support others!"
Nang matapos ako sa pagbihis ay umupo ako sa upuang nakatapat sa salamin.
I was busy putting my makeup while Salli is sharing mirror with me. Napangiwi ako nang makitang halos mabuka ng sobra ang brush niya kakamadali. Makeup na lang ang kulang sa akin at halos natural look lang, ayoko ng masyadong makulay sa mukha kaya kalmado na ako.
"Sis, pahiram naman ng contour, pati highlighter and liquid eyeliner na rin?" Abala ng pamilyar na baklang boses ni Lisa. Mas babae pa siya tingnan kesa sa ibang narito.
"Hmm."mababang tugon ni Salli pero hindi yata narinig.
"Sis? Uy, pahiram nga--"
"Lecheng yawa naman oh! Oo na nga sabi! At hindi akin yan, kay Elle!" Napatalon ako sa sigaw ng katabi ko.
"Hey, chill. Marami pa tayong oras..."
"Nyeta! Ba't kasi late ako nagising!" Bumuntong hininga na lang ako sa kanya. She's in panic, bagay na hindi ko pa naranasan noon pero nagbago na ngayon.
Yung pakiramdam na hindi mo alam kung ano ang uunahin, kung saan papatungo, kung paano maghanap ng isang bagay na nasa harap mo lang pala pero sa sobrang kaba ay hindi na napansin. Ang pakiramdam na 'yon na hindi ko alam kung naramdaman ko ba dati dahil pinalaki ako't tinuruang maging kalmado sa lahat ng oras.
I grew up stiff and proper, to be perfectionist, to become their trophy na pwedeng maipagmalaki sa mga kaibigan, and to be who they want, and to be envied by many people. Gladly, sinunod ko 'yon sa kabila ng pang-iinsulto ni Dad sa simpleng pagkakamali ko. I maintained a high grades, I became a straight A student and a candidate for valedictorian, I smiled when a get achievement at habang tumatagal ay parang naging natural na lang. Walang trill, like a continious cycle. Kaya naman nakakagulat na ipinasok ko ang sarili ko rito sa kinaroroonan ko ngayon.
Bumaling ako kay Lisa. "Sige, kunin mo na, wag mo lang ubusin," tipid akong ngumiti pero di na siya umalis at dito na nagmake-up.
"Tarush naman! Girl, ang pretty natin!"
"I know." I answered politely.
Busy pa rin siya sa paglalagay ng kolorete sa mukha. Nakipagkuwentuhan siya sakin at habang tumatagal ay hindi ko na maiwasang tingnan ang kabuoan niya. My face frowned.
"Anong damit yan? Is that really your clothes?"bumaba ang tingin ko sa mahahaba niyang hita na nababalutan ng net stacking, dirty styled short shorts and the same top for girls, red checkered polo nga lang ang kanya at long guitar necklace.
I think he's the guitarist and one of the vocalist in his group.
"Oo, nagpaalam na ko kay Sir," humalakhak siya. "Malay mo makabingwit ako at may maakit sa talent ko't alindog. Kailangan ko na ng kalandian!"
Umasim ang mukha ko. Ang landing bakla. I wonder how do his parents react to him, tanggap ba siya? Suportado?
"Tara, girl, labas muna tayo. Samahan mo kong mangisda," hinila niya ako palabas ng backstage. Napunta kami sa harap ng stage kung saan nag-eentrance ang mga dance troupe.
Naghihiyawan ang mga tao, suot na rin ng iba ang mga outfit pero meron pa ring iba na nakawhite t-shirt lang and jeans. Sila yung mga walang sinalihang club at journalist na magfefeature ng event na magiging palaboy rito.
May nakita akong grupo ng mga naka-whites nagpipicture ang isa at nagsusulat ang iba. Mukhang kanina pa rito dahil ang haggard na nila tingnan pero nakuha pang mag-asaran sa isa't isa. Malapit lang sila sa akin kaya naririnig ko sila, tuloy ay naalala ko ang mga kaibigan ko. We are also like them.
"Bakit ko nga ulit pinili ang club na 'to?" Dinig kong reklamo ng lalaking journalist.
"Ako rin. Tamad ako magsulat, eh."
Tinampal sila ng babaeng kasama. "Hoy, focus sa mga trabaho niyo wag puro chika. Kalalaking tao!"
Bumaling lang ulit ako kay Lisa nang higitin niya ang kaliwang braso ko at kinurot-kurot. Tumili siya."Ah! Fafa!"
"H-Hey, Lisa? Masakit." Pilit kong tinanggal ang nakaangkala niyang braso.
"Ampogi Elle! Kinindatan ako!" Nangisay siya at pinaharap ako sa stage. May lalaki ngang sumasayaw sa pinakaharap at nakatingin samin, muli ay kumindat ito at ngumisi. "Ay! Nakita ko na ang porebs! Magpapadilig na ako!"
What the freak?
We are not that close enough but as a hurting person I slammed my hand hard through his head. Simula pa lang noong una ay feeling close na siya sa akin, palakaibigan sa lahat kahit na mukha nang plastic, pero ganito na yata ang ugali niya kaya magfefeeling close na rin ako. Tutal ganoon siya--- sila ni Salli, Draquen, Gino at Joy, hindi nila alam ang personal space kaya siguro ayos lang kung umasta rin ako nang tulad sa kanila.
"Baliw ka? You're malandi at hindi ka niyan papatulan. Yung nasa likod mo ang kinindatan," irap ko.
Bumawi siya at bahagyang hinila ang nakahigh ponytail kong buhok. "Ang sama mo," nakanguso ang mapula niyang labi.
May tumawag sa akin mula sa 'di kalayuan pero bago ko pa malingon ay may umakbay nang braso sa balikat ko. He sniffed my hair.
Kilala ko na. I've already memorize this move, this smell.
Draquen Velosso.
"Ang bango mo."
Humarap ako sa kanya at nakita ang napakasigla niyang ngiti. Ang gwapo niya sa ayos niya ngayon, ang dating natural na buhok ay sadyang inayos at bumagay pa ng sobra ang outfit namin sa kanya. Para siyang model.
"Ang ganda naman ng couple outfit natin. Nakakakilig," awtomatikong nalukot ang mukha ko sa biro niya. "Affordable pa."
I perfectly rolled my eyes at him. It's early in the morning at ito na naman ang bungad niya. I saw amusement on his eyes then he smirk.
Sometimes, I really can't understand him. No, always.
Ginulo niya ang buhok kong maayos na. "Good morning, Elle."
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Teen Fiction"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...