Mataman kaming kaming nakikinig sa sinasabi ni Sir Roy habang nakaupo sa malamig na sahig ng theater room."Students... Most of you all are graduating and this might be your last club to be attended dahil siguradong pagdating college ay seryoso na. Aral na lang lahat, wala ng time sa mga orgs kaya hinihiling ko na sana manalo kayo-- tayo. Consider it as an achievement from a tiring practice. Galingan niyo."
Hapong-hapo na kami dahil sa buong araw na ensayo. Ito na ang huling ensayo kaya ibinigay na ang buong araw para sa paghahanda. Sa susunod na araw na ang performance kaya naman ang daming sinabi ng adviser ng club namin. Too much cringe words and reminders that we need to do during the program.
Bigla ay narinig ko ang pabulong na reklamo ni Draquen sa tabi ko.
"Tiring talaga. Ituring ba naman ang club na cheerdance practice? Ipa-squat ko kaya siya," nilingon ko siya. Nakapailalim ang matalim niyang titig at mahaba ang pagkakanguso sa guro. "Ang sakit talaga ng katawan ko..."
Siniko ko siya. "Shh, baka marinig ka. Just listen."
"Edi marinig. Sigaw ko pa eh."
"Sige nga, gawin mo. Para kang bubuyog dyan," biglang hamon naman ni Joy sa kabilang gilid ko. Mukhang pinatulan naman ng lalaking topak ang sinabi, umipon siya ng hangin.
"SIR!"
Nagulat kaming dalawa sa malakas na sigaw niya. Hell, he's freaking serious. Bago pa man niya maituloy ang sasabihin niya ay mariin kong tinakpan ang kanyang bibig. Nakuha niya ang atensyon ng guro kaya napatigil ito sa mga reminders niya.
"Ano 'yon?"
"May sasabihin daw po kasi si Draquen," inosenteng sagot ni Joy. Sinamaan ko siya ng tingin pero bumungisngis lang siya.
Nararamdaman ko ang nakakadiring laway ni Draquen, parang nagsasalita. Padarag siyang tumayo. Naiwan naman akong nakaupo at nakamaang sa kanya. Hell?
"Velosso, ano 'yon?"
"NAUUTOT PO AKO!"
Napanganga ako saka napayukong sapo ang noo. Sandaling tumahimik bago napuno ng tawanan ang kwarto. Matatapos na sana pero pag-upo niya ay nangibabaw ang malakas na tunog.
"Yuck!"
"Ang baho! Nakakadiri naman Draquen!"
"Ang dugyot, eh!"
Napamaang siya. Nanlalaki ang matang dinedepensahan ang sarili. "O-Oy! Hindi ako yun! Nagkataon lang!"
"We, we, we. Sino pala?!"
"Palusot mo kasing baho ng utot, bulok!"
Hanggang sa natagpuan sa kabilang gilid ni Draquen ang lalaking palihim na tumatawa. Mas mabilis pa sa kidlat ang hampas ni Salli kay Gino na bumuwaglit na ng tawa ng kademonyohan.
"Hey! Tama na, umalis na si Sir. Ang baho kasi!"
Napalingon kaming lahat sa sigaw ng isang member.
Oo nga, pagtingin namin sa upuan niya ay nawala na siya. Tanging dalawang note na lang na nagsasabing "Do your best not for anyone but for yourself" at isang "Ang kadugyutan ay normal sa mga taong abnormal."
Nabasa namin 'yon at naging maingay na naman. Napailing nalang ako. They're really crazy, carefree punks so laughs whenever they want. So naughty but fun.
Tumayo na ako at naghanda sa pag-uwi. Abala ako sa pagsusuot ng bag nang lumapit si Mia, nakatayo lang sa may gilid at parang nag-aalangan. Sinulyapan ko siya.
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Teen Fiction"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...