Chapter 18

14 3 0
                                    

"Mommy! Mommy! I want that!" Tinuro nito ang isang cotton candy parlor na gumagawa ng iba't ibang figures gamit ang cotton candies. Marco is jumping while pulling Tita's hand.

"But baby," yumukod ang ina sa anak, "kakakain lang natin ng sweets, 'di ba? Monsters will ruin you teeth if you insist."

"No!"

Nagsimula na umiyak ang kapatid ko kaya sa huli ay pinagbigyan rin siya ni Tita.

"Marco's really a spoiled brat," I heard Kuya Ricgard uttered.

"U-Uh, yeah."

Tumingin ako sa mag-inang masayang naglalakad sa harap namin. Nakasunod lang kami ni Kuya sa kanila habang hinihila ng anak si Tita patungo sa ToyStore.

A day after that late night talk with my step-mother, she became more caring, talkative, and jolly. Sinabi ko sa kaniya at sa sarili ko na bigyan siya ng pagkakataon at maging bukas kaya hinayaan ko siya sa lahat, pinakisamahan ko siya ng maayos bagay na lalo niya pang ikinatuwa. Now, she even invited me to go to mall with her sons.

Sinamahan ko sila. Medyo nanibago pa ako kay Kuya dahil napapadalas na ang pagpansin niya sa akin, mula kahapon, minsan ay siya pa ang nagbubukas ng topic hanggang sa mapagkwentuhan na namin habang abala pa ang dalawa sa pamimili.

Hindi naman pala siya masungit gaya ng lagi kong iniisip. Hindi rin masyadong seryoso dahil paminsan ay nagbibiro, yung tipong siya lang rin ang matatawa at nadadala lang ako kapag nakitawa na ang lahat.

This is them. Pakiramdam ko tuloy ay ngayon ko lang sila nakilala, masyado ko kasing pinuno ng sariling panghuhusga ang isip ko sa kanila noon.

I feel a bit sorry.

"Elle?" Nasa ladies section kami ngayon ng isang botique nang may pinakitang dress si Tita. "This looks good in you! Isukat mo."

It is a black and white high collar cocktail dress with lace. It's simplicity screams elegance and attraction. Tinitigan ko ito ng may labis na papuri ngunit sa huli ay inilingan.

"It's fine, Tita. I don't need another dress yet, marami pa akong hindi nasusuot sa bahay,"tanggi ko.

"Then let's add this on your collection! Magagamit mo rin ito," ngumiti siya saglit, "Come on, hija."

Sa huli ay pumayag ako, sa ugali ngayon ng stepmom ko ay hindi siya papayag na tumanggi ako sa ibinibigay niya. Hindi na tulad noon na kapag hindi ko pinapansin ang bigay niya ay hindi na niya pinipilit.

We spent an hour shopping clothes and toys and make-ups. Sa isang fastfood chain na rin kami naglunch na siyang request rin ni Marco, hanggang doon ay hindi naawat ang bibig nito at natatawa na lang kami.

Seriously, this is so great, I'm feeling light and somehow happy.

At the end of the day, the little kid force his mother to ride a carousel with him before we go home. He's pulling her hand with a teary-eyed.

"M-Mom! Please!"

"Baby, I can't, I'm in dress right now," lumingon ito sa amin. "Richard, samahan mo ang kapatid mo sa loob, sumakay ka."

Agad na umasim ang mukha ng huli. "Ayoko, matanda na ako para dyan. He can ride alone."

"Kung mahulog?"

"Then we go to hospital."

Nakita kong halos mamula sa inis si Tita at napapikit sa pamimilit ng bata at tanggi ng panganay. Bago pa man sila mag-away ay pinigilan ko na. "You're--"

"Tita," panimula ko. "Ako na lang po ang sasama."

Tutal ay hindi ko na maalala kung kailan ang huling sakay ko sa ganito.

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon