Ilang araw na matapos ang FOT at naging busy na rin ako sa academic lalo na't malapit na ang exam namin for this semester. Wala na akong balita sa kung sino ang nakakuha ng best award sa event at wala na rin iyon sa isip ko. Halos imudmod ko ang mukha kababasa sa isang libro at may tambak pa sa tabi ko na kailangan ko tapusin.
Tuwing free time ay nasa pinakasulok ako ng library kung saan wala masyadong pumupunta. Halos doon na rin ako kakain ng meal at snacks kahit bawal, hindi rin naman ako makikita. Kadalasan din ay medyo late sa dati ako umuwi dahil may ilang libro akong kailangan basahin na hindi pwedeng iuwi.
I excused myself to my friends for days now. Hindi na ako sumasabay sa kanila sa lunch o kahit breaktime, hindi na rin ako sumasama kapag may group study sa bahay nila Tito Leo at Joy. Mas sanay akong nagrereview mag-isa at ayokong masagabal kaya pinili ko munang lumayo, mabuti at naintindihan naman nila ako. Alam ko busy rin sila lalo na't nasa STEM si Gino at Draquen at ABM naman si Joy pero nagagawa pa rin nilang magrelax, bagay na 'di ko pwedeng gawin. I need to maintain grades or maybe make it higher so that my Dad would be proud. I also want to prove him that joining in a music club won't affect my studies.
Sa ganitong sitwasyon ko gustong mag-isa, walang kasama at tahimik.
Pero minsan, sa tuwing naglalakad ako sa hallways o sa kahit saang parte ng school ay nakakasalubong ko pa rin sila at binabati. Katulad na lang ngayon.
"Elle!"
"Halika, dito tayo!"
Napalingon ako sa kaliwa at nakita silang kumakaway at nagkakantahan. Tinanguan ko lang sila at nginitian bago naglakad ulit habang may binabasang libro.
Pag-uwi sa bahay ay diretso ako sa kwarto. Hindi rin ako ginugulo roon dahil alam nilang tutok ako sa pag-aaral.
"Hija? Kakain na tayo."
Hindi na ako lumingon kay Tita. "Yes po, susunod ako."
At kung hindi pa ako tatawagin ni Yaya, Tita, Kuya, o Marco ay makakalimutan ko na yatang kumain.
Hanggang sa dumating ang semestral exam.
"Pass your papers, Make sure its clean or I'll never check that," sabi ng mataray na guro namin na nagbabantay dito sa classroom.
I am slightly confident at my answers though the test was a bit difficult. Kailangan talaga intindihin ng maayos ang tanong para makasagot. Lumapit ako sa table ni Maam para magpasa at nang nakita niya ako ay sa akin lang siya ngumiti.
"Ms. Reyes, You're one of my excellent student so I'm expecting high from you."
Of course, expectations.
"Yes, thank you, Maam."
"Your welcome, now you can go. Take a break and rest."
Tumango na lang ako at lumabas para magpahangin. Ito na ang last day of exam namin.
"Oh, ang librong uod namin."
"Bilis mo ah."
Nakita kong nakasandal si Gino sa poste ng classroom at nakangiti ng nakakaloko sa akin. Naglakad siya palapit at agad na umakbay ang kaliwang braso sa balikat ko.
"Mahirap ba ang exam? Ang tagal ka naming 'di nakasama, miss ka na tuloy ni Draqie boy."
Nailing ako bago siya tinaasan ng kilay. "Seriously? Pumunta ka lang ba rito para sabihin 'yan?"
He chuckled. "Syempre, hindi. Sinusundo ko kayo kasi magsasaya tayo. Puntahan muna natin si Salli."
"Anong magsasaya? Saan tayo pupunta?"
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Teen Fiction"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...