Chapter 19

9 1 0
                                    

I know there's something wrong.

Everything went out smoothly. Natapos ang sembreak at simula naman ng second semester. Gaya ng inaasahan, maiingay na boses ang maririnig sa bawat bahagi ng university na kinukwento ang kanilang masayang bakasyon.

In old times, maybe I would get pissed or ignore everyone but now I couldn't help to smile. Isang hapon nang mapag-usapan namin ng mga kaibigan ko ang tungkol sa dalawang linggong bakasyon namin.

It was fun until I noticed Draquen being distance at me.

What happened?

"Hey!"

Hinabol ko siya pagkalabas ko sa  aming classroom matapos siyang makitang nakasilip. Lumakad lang siya nang makita akong nakasulyap.

"What's wrong with you?"

Sapilitan kong hinila ang braso niya para maunahan at iharap sakin. Mariin niyang ipinikit ang mga mata at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. Tila nauubusan na ng pasensya.

Nakasalubong ang kilay ko sa kanya.

"Hoy, Draquen, may problema ka ba sa akin?"

Tumaas bigla ang kilay ko matapos niyang salubungin ang mata ko. Nakangiti na siya ng maliwanag at masaya. Inakbayan niya ako at naglakad.

Why is he so weird lately?

"Wala! Siguro miss mo lang ako?"

Nakatitig lang ako sa kay Draquen, ipinagwalang bahala ang posibilidad na pwede akong matisod sa daan. Hawak niya naman ako.

"Bakit mo ako iniiwasan?" Tanong ko. Tila natigilan siya, ang mga ngisi'y unti-unting humilaw at lumuwag ang brasong nakapatong sa balikat ko. "Draquen."

"M-May pupuntahan pa pala ako," sandali niyang ginulo ang buhok ko bago tumalikod. "Bye, Love!" at kumaripas ang takbo.

Blangkong emosyon ko siyang tinanaw palayo. Alam kong pinipilit niya lang pasiglahin ang boses at maging masaya kapag kasama ako.

Inisip ko ang mga posibilidad na maaaring maging dahilan hanggang sa nauwi sa iisang rason. Hindi siya ganito kay Salli, Joy at Gino, alam ko dahil sa tuwing kasama sila ay pinapakita niya ang tunay na siya.

I just hope I was wrong.

Lumipas ang mga araw hanggang sa maging linggo na ganoon pa rin si Draquen. Saktong sumalubong ang sangkatutak na gawain at research sa school kaya hindi ko na lang pinagtuonan ng pansin ang pakikitungo niya.

I thought it was just that but there's more weird. Dad suddenly approached me again, like is he not angry anymore? Not disappointed?

More like he needed something...

I am sitting in sofa in our sala doing an individual research when Dad came from work. I just greeted "Good evening" without looking at him.

"How's your day?"

Agad siyang sinalubong ni Tita at Marco na nagpabuhat pa sa kanya. Saglit naman akong tumingala.

"Fine, Dad. I'm doing a research right now."

"Oh, you want me to help?" Tanong niya habang tinatanggalan siya ng tie ni Tita.

Bahagyang tumaas ang kilay ko na agad ring nawala nang lumingon siya. Tinuon ko na lang ulit ang sarili sa laptop. "No, uhm, I can handle it. Patapos na rin ako."

"Kumain ka na?"

"Yes, po."

"Good, mas mabuting sa taas mo na yan ituloy para mas focus ka."

Now, this is odd.

Sinunod ko ang sinabi niya.

Pabagsak akong humiga sa kama pagkatapos at sandaling nagmuni-muni hanggang sa tuluyang bumagsak ang talukap ng aking mga mata.

Saturday morning.

I woke up from the sunlight entering my room. I check my clock before doing my routine. Pagkatapos bumaba ako patungo sa kusina para kumuha ng crackers at water. Naabutan ko pa silang lahat na kumakain at nag-uusap.

"Sweetie! Hindi ka muna ba kakain?" Lumingon ako kay Tita.

Ngumiti ako. "Jogging po muna ako."

"Elle, let's talk at my office later," seryosong singit ni Dad, nasa pagkain ang atensyon at tahimik. Huminga na lang ako ng malalim bago sumang-ayon.

Lumabas na ako at nagsimulang magjog hanggang sa makarating ulit ako sa park. Medyo matagal na rin ang huling punta ko rito dahil busy sa schoolworks. Dito ko madalas makita si Draquen tuwing weekend morning, kalaro ang mga bata.

I wonder if he's just living near here.

Nagtagal ako roon upang hintayin aiyang dumating pero dumating ang alas nuebeng walang Draquen na nagpakita. Lagi siyang narito pero pwede namang nagkataon lang na 'di siya nakapunta. I shouldn't think the other way around ngunit napatunayan ko 'yon nang magtanong ako sa isang batang close niya.

"Gia, pumunta ba si Kuya Draqie mo dito?" Tanong ko. Sandali itong nag-isip bago ako sinagot.

"Opo! Kanina po kalaro ko siya! Pero umalis na po ngayon lang."

I knew it.

Blangkong emosyon akong umuwi na sana hindi ko na lang ginawa. Tila umikot ang mundo ko nang pumasok doon at ang madilim nang tahanan ay mas dumilim pa sa mata ko.

My good father is smiling brightly at the visitors the he saw me. Doon ay inisip ko na sana hangin na lang ako.

I want to be invisible!

"There she is, my daughter, Elle Ain..."

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon