Hapong-hapo ako ng makarating kami sa patag na bahagi ng bundok na magsisilbing camping ground namin. Hindi ko na pinansin ang mga damo't basta na lang akong umupo kasabay ng ibang schoolmates na napagod rin.
"At last! We've finally reached it!"
"Gosh, I feel like I'm gonna die!"
"Students! Please quiet, malapit nang lumubog ang araw. Everyone should start building their tents!"
Maraming nagreklamo habang sinusunod ang gusto ng guro na ngayon ay kasama na ang guide namin at iilang school staffs na nauna na pala. Sabagay, alas dose ng tanghali nang makarating kami dito sa Aurora, minadaling pakainin ng tanghalian at pagkatapos ay sinimulan na ang pag-akyat sa bundok. Dapit hapon na nang makarating kami. Bumuntong- hininga na lang ako, sinimulan ko na ang akin nang biglang lumapit si Salli.
Tinulungan niya ako sa pagtayo. Medyo nahirapan pa kami dahil may kalakihan itong akin, kakabili ko lang nito noong isang araw na basta ko nalang dinampot at hindi na natingnan ang size.
"Thanks," sambit ko pagkatapos. Binalingan ko siya saka napansing wala pa pala siyang natatayo. "Where's yours? Tutulungan din kita."
"Yun na nga eh..." kumunot ang noo ko sa pag-aalangan niya. "W-Wala kasi akong tent, hindi nakabili, maliit naman yung kay Joy tapos--"
"Then share with mine, kakasya tayo rito," agap ko. Halatang nagulat siya sa sinabi ko kaya ngumiti ako sa kanya ng malapad. "Masyadong malaki ito para sa akin."
"Really?!"
"Of course."
Patalon siyang lumapit at niyakap ako nang mahigpit dahilan kung bakit ako natawa.
She's so overjoy."This is what friends are, right?" Dugtong ko at naramdamang tumango siyang paulit-ulit.
"Ba't ba kasi malaki ang binili mo? Ayan tuloy, ikaw ang nakita ko!"
"Maybe because fate knows what will happen?"biro ko, umikot naman ang mata niya habang natatawa pa rin.
"Duh, fate always know it. Malas nga lang kapag nakipaglaro na sa tao."
Hindi na ako kumibo. Ilang sandali pa ay tumulong na rin kami sa mga kaibigang hindi pa tapos. Pinasadahan ko ang mga tent na nakatayo, hindi ito kasing dami ng mga students na kasama namin, marahil ay nag-usap na ang ilan sa mga ito na mag-share sa tent kaya ganoon.
Hell, we are almost 70 persons here in the mountain including the teacher and staffs. And I can only see at least 25 tents. Yung iba ay nasa ibang station tinayo dahil masikip na rito sa amin. Marami kami rito ngunit sinisiguro na mas marami ang kabilang seniors na nalaman kong sa Batangas papatungo, sa may dagat ata sila magca-camp.
Habang nagpapahinga ay natunghayan namin ang paglubod ng araw, hindi pa namin naabot ang tuktok ng bundok ngunit sobrang ganda na nito. Ang iba naming kasama ay nangunguha ng kahoy para gawing bonfire.
"A sunset for a new beginning..."
Napalingon ako sa kanya. "Yeah."
"And a darkness for a beautiful start with the shining light," dugtong ni Salli.
"Indeed," ngumiti ako at sabay naming tinanaw ang langit na unti-unti nang nililitawan ng mga bituin. "Millions stars as guide at nights but always ignored by many. You all are my stars who're hardly ignore."
"Why?"
Naramdaman kong bumaling siya sa akin, ganoon din ako at sinalubong ang mga mata niya.
"Because you shine so bright and guide me through the light."

BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Novela Juvenil"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...