Chapter 6

57 16 14
                                    


Lumipas ang mga araw at hindi na nagpakita si Draquen. Kinabukasan matapos nung incident sa cafe ay nagjog ulit ako at nagstay sa park pero wala na siya. Monday, it's holiday, walang pasok kaya nagstay lang ako sa bahay at nagreview. Iyon din ang araw na bumalik sila Dad from Cebu City, Tita gave me another souvenier. Today is thursday.

Everything he said was just a blurb. I'm not expecting anyway.

Naglalakad ako sa pathway ng school, bumalik na naman sa normal ang lahat. Maingay na daanan at mga busy students. Nakarating ako sa hallway ng walang narinig na kahit anong salita tungkol sa'kin, it's because lumipas na ang dating chismis at wala ng bago. This is what I want. Katahimikan.

Sinalpak ko ang earphone sa tenga ko.

-

Pagdating sa classroom ay umupo agad ako at nagbuklat ng libro. Maya-maya ay hinalungkat ko ang bag ko at hinanap ang highlighter, binuksan ko ang drawer ng desk ko at doon nakita 'yon. Isasara ko na sana nang makita ang isang plastic na rose at pink na sticky note na nakadikit sa choclate bar.

My loves! Pasensya na hanggang plastic lang budget ko, susuyuin kita hanggang sa maniwala ka muah!     
                                            =D

"Oy! Ano yan?"

Nagulat ako at biglang napalingon sa Class president naming bakla na kasalukuyang nakasilip sa desk ko. Kinuha ko ang papel saka basta nalang inipit sa mga libro.

"Ay taray! May magandang bungad sa umaga, beh!"

"Sino yan?"

Bumuntong-hininga ako nang kuhain niya ang chocolate. Sinara ko ang drawer at nagpatuloy sa pagbabasa.

"Ay goya," bakas ang panghihinayang doon," pero masarap to! Malaki eh,"

"Sayo nalang."

"Totoo teh? Sige, bahala ka."

Hinarap ko siya. "Oo, magbabasa pa ako."

Nginitian niya ako ng malapad saka umalis at inanunsyo sa klase na may admirer siya na nagbigay ng chocolate. Napatingin ako sa kanila na nagtumpukan para makahati sa pagkain, nag-aagawan, maingay at tawanan. Inalok ako ni Alex also known as Lisa na baklang class president pero umiling ako at umiwas na.

-

Two hours bago ang uwian pumasok si Lisa sa classroom ng may magandang ngiti matapos ipatawag sa faculty room.

Dumiretso siya sa table sa harap at umupo sa ibabaw.

"Attention!"

Tumingin ang lahat sa kanya at inantay ang kung anong sasabihin niya nang bigla siyang tumili at tumayo sa table.

"OMG! Hindi papasok ang dalawang gurang!"

Biglang naghiyawan ang karamihan. May nanghinayang rin dahil pinaghandaan ang quiz kay Ma'am Dizon na huling subject.

Ibig sabihin vacant kami ng dalawang oras. Nagliligpit na ako ng gamit nang magsalita ulit si Lisa, ngayon seryoso na.

"May announcement pala ang student council tungkol sa mga clubs. Pwede na raw sumali at mag-audition next week, magkakaroon ng program kaya wala munang klase ng isang araw. Actually para ito sa freshmens ng school pero sinabi na kasali tayo tutal last year na natin to, isa pa tatlo sa teacher natin ang nagsabi na may points kapag may sinalihang clubs or any organizations" paliwanag niya.

Tumaas ako ng kamay. "Mandatory?"

"Hindi naman. Kung matalino ka at kaya mo naman maabot ang bonggang grades, edi huwag na. Char!" Nakangiting sagot niya at nagbibiro, " Okay guys! To those who are interested pumunta kayo sa quadrangle at may malaking bulletin board doon. Tingnan niyo!"

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon