Chapter 22

16 4 0
                                    

Niyaya niya akong pumasok roon, tumuloy kami at sinalubong ang madilim na paligid ng bahay. Sigurado akong walang tao rito maliban sa amin tuloy ay hindi ko maiwasang mailang pero hindi ko 'yon pinahalata.

"Tita Lum?"

"Tita!" Walang sumagot sa kanya kaya lumingon siya sa akin.

"Teka, sandali lang ako."

Binuksan niya ang ilaw sa sala bago tumakbo paakyat sa taas. Umupo naman ako sa couch nila habang tahimik na sinusuri ang kabuuan ng bahay. Hindi ito kasing sosyal ng sa amin na maraming disenyo at dekorasyon pero masasabing may ibubuga ang may-ari nito.

Malinis ang buong paligid at maganda kahit na kakaunti lang ang laman ng bahay.

Dumapo ang mata ko sa isang glass built in cabinet kung saan nakalagay ang mga picture frames and books. Naniningkit ang mata ko habang nakatitig roon saka tuluyan ng naglakad palapit para matingnan iyon ng ayos.

Una kong nakita ay isang madandang babae, sa tingin ko ay nasa bandang 20's pa ito base sa litrato. Pangalawa naman ay parang family picture at ang panghuli kong tiningnan ay may kasama siyang batang lalaki na nakasuot ng hospital gown at nakahiga sa hospital bed. Tininapat ko ang kamay doon at pinakatitigan.

Hindi nakangiti, payat at sobrang putla.

Sino to?

Sinasabi ng utak ko na si Draquen pero pilit rin nitong tinatanggi at sinasabing baka ay ibang tao. Malayong malayo ito sa itsura niya ngayon, sabagay ay mukhang sampung taon pa ang batang lalaki ng kinuha ito ngunit siguro naman ay makikita ang pagkakahawig nila.

"Anong tinitingnan mo?"

Halos mapatalon ako ng magsalita si Draquen na nasa gitna na ng hagdan.

"Uh, nothing... just some pictures..."

"Really?" Nakalapit na siya, sabay naming pinasadahan ulit ang mga litrato na nakaframe. Umiiling siyang pinagmasdan iyon at kinausap ang sarili. "Tsk, sabi ko itago eh, hanggang ngayon pala ay nasa kanya pa rin."

Tiningnan ko siya at kinumpara iyon doon.

"Is that you?" Nag-aalinlangan kong tanong.

Tumango siya. "Hmm."

Medyo nagulat pa ako kahit na minsa'y naisip ko na. It's just unbelievable.

Walang nagsalitang muli sa aming dalawa, nanaig ang katahimikan habang nanatili kami roon. Sobrang laki talaga ng nagbago, kung sa larawan ay halos 'di mo na siya kakitaan ng sustansiya sa katawan ngayon ay masasabi mong hindi siya dumaan sa malnutrisyon.

Hindi nga ako makapaniwala noong una, kung hindi niya sinabi na siya pala yung lalaking kasa-kasama ni lolo noon ay tuluyan ko na siyang hindi makikilala. Ang kanyang mga pisngi na tumataba tuwing ngumingiti, katam-tamang laki ng katawan, masayahing mga mata, at makukulit na kilos, talagang hindi mo aakalain dumaan sa mahirap na sitwasyon.

Maybe, this is why life is so precious to him. Despite of his struggles before, he never gave up because he wants to live, he still wants to experience the different phases of life. Now, I greatly regret the thoughts of ending my life before, my attempt to jump on that freakin' rooftop before.

"I was diagnosed of a blood disease called leukemia. Noong bata pa ako ay hindi nila sinasabi kung anong problema sa'kin, napakahirap ng naranasan ko noon, napakasakit dahil hindi man lang ako pwedeng mabuhay ng katulad sa ibang bata," ramdam ko ang pait sa mga salita niya, sa kauna-unang pagkakataon ay nakita ko ang peke niyang ngiti. Mapagkunwari at malungkot. "Hindi ako pwedeng maglaro, lumabas, mag-shopping dahil nakakulong ako sa impyernong hospital. At an early age of thirteen, I learned to despise life, to blamed God and my mother who only care about me. Isinigaw ko sa harap niya noon na patayin niya na ako, sumusuko na ako sa buhay. Ayoko na, sobrang nakakapagod na..."

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon