Halos kalahating oras matapos tawagan ni Sir Roy ang relative ni Draquen ay dumating ang humahangos na magandang babae. I think she's in mid 30's.Kanina pa nagvivibrate ang cellphone ko na hindi ko na pinansin. Masyado akong natutuliro at ang sinagot ko lang ay ang text ng Dad ko, hinahanap ang kinaroroonan ko at sasabay na kumain sa kanila sa labas. Sinabi kong may pinuntahan ako bigla at baka matagalan.
I know he rarely text like that or invite me but I just can't say yes.
Hinahanap niya agad si Draquen at doon saktong lumabas ang doctor na kanina'y umaasikaso sa kanya. Napatayo kaming lahat. Lumingon agad ito sa amin.
"Who's Mr. Draquen Velosso's relative?"
"Me, Doc, He's my nephew. Is he alright?!" Sunod-sunod na tanong ng Tita pala niya. Pumasok sa isip ko na baka ito ang may-ari ng bahay na kasalukuyan niyang tinutuluyan malapit sa amin.
"What's his condition po?" Sabat ko. Hindi ko na mapigilan ang pananahimik sa sobrang alala.
Napalingon sa akin ang babae na agad ring bumalik sa doctor na nagsasalita na. Nagtanong ito tungkol sa karamdaman ni Draquen. Samantalang nagsimulang magkwento ang aming guro kung anong nangyari kanina.
Halos mabingi ako sa narinig pagkatapos. Hindi ko naintindihan lahat pero isa lang ang pumasok sa isip ko.
"Malala na ang lagay niya. Hindi ko alam kung paanong umabot sa ganito, dapat ay i-confine niyo na siya."
"O my god!"palahaw ng Tita niya.
"He should get a treatment right a way. Excuse me."
I think those words is enough to understand everything.
Ngayong araw rin ay nilipat si Draquen sa ibang kwarto, nakaconfine na siya at makalipas ang dalawang oras ay gising na. Gusto ko man manatili pa ay umalis agad ako roon at umuwi sa bahay. Nagpalit ako ng damit at nagpahinga. Gaya nga ng sinabi ko, wala silang lahat. Siguro'y nasa labas at namamasyal.
Nang mga sumunod na linggo, tinapos ko ang lahat ng requirements na hinihingi ng mga proffessors namin. Tutal ay malapit nang matapos ang school year ay wala ng masyadong ginagawa sa school liban sa graduation practice at natitirang requirements. Bukod roon, kapag wala na silang kailangan sayo, pwede nang hindi pumasok at antayin na lang ang pagtatapos.
In one week, I didn't visit the hospital. Gusto ko kasing tapos na ang mga gawain ko bago bumisita. When at home, it became less awkward because we barely meet at our house. Katulad ng nakasanayan ay baka nasa trabaho ang mga ito o namamasyal.
Pagkabukas ko ng pinto ay napansin agad ako ni Gino. Lumingon sina Salli, Joy at ang Tita ni Draquen sa banda ko. Dumapo agad ang tingin ko kay Draquen na matakaw na kumakain ng prutas. Nakangiti na ito ng malapad sa akin.
"Elle!"
"Sweetie!"
Kahit nariyan na ang pamilya sa harap ay napakawalanghiya pa rin talaga.
Ewan ko na lang talaga.
Alanganing ngumiti ako sa kanilang lahat bago umupo sa couch. "Good morning, everyone."
"How are you?" Baling ko kay Draquen.
Nailang naman ako bigla lalo na nung tumahimik ang silid. Pakiramdam ko ay lahat sila nakatingin sa amin at eto namang si Draquen na nagawa pang mang-asar.
"Teka... Hmm," nakangisi siyang nakalingon sa akin habang paasar na inaatras ang ulo niya. "Nag-alala ka ba? Hmm? Sus--"
I wore my poker face.
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Novela Juvenil"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...