Draquen Velosso

22 3 0
                                    


Dati isa lang ang kinatatakutan ko. Kamatayan.

Ayokong mawala ng maaga sa mundong ito nang hindi nagagawa ang lahat ng masasayang bagay. Ayokong mawala nang walang nakikilalang tunay na kaibigan na makakaintindi sa akin. Ayokong makalimutan ng mga mahal ko sa buhay na ipagluluksa lang ako ng ilang linggo tapos ay burado na sa buhay nila.

Sa murang edad, nakakaramdam na ako ng takot. Samantalang pilit naman akong tinuturuan ni Mama ng mga bagay na kailangan kong intindihin.

"Apo, alam mo ba ang dahilan kung bakit naghihirap ang mga tao?" Napalingon ako sa katabi kong matanda, nangunot ang noo ko sapagkat nakatanaw lang ito sa kawalan at biglang nagsalita. Hindi alam kung sino ang kausap niya pero pinili kong sumagot. "Kung bakit tayo narito ngayon, nagpapagaling para maipagpatuloy ang buhay sa labas."

"Kinakausap niyo po ba...ako?"

Doon pa siya lumingon at ngumiti. "May iba pa ba?"

Tumikhim ako. Sino ba ang tandang 'to?

Gamit ang mura kong pag-iisip ay sinagot ko siya.

"Para sa huli ay maging masaya?" pag-aalinlangan ko. Biglang pumasok sa isip ko ang palaging sinasabi ng mama ko. "Naghihirap ang tao para maging matapang at kapag dumating na ang panahon ay makakaya na ang sarili. Malalabanan nila ang kahit anong problema."

Tumango-tango ang matanda.

"Hmm, tama, pero hindi lang sa kasiyahan natatapos ang lahat. It is happiness and contentment, apo. Remember that."

"Bakit niyo sinasabi sa akin 'yan, Lolo?"inosenteng tanong ko. Ngumisi naman siya saka tumingin sa langit.

"Struggles teaches us living. Help us find or create ourselves. It makes us humans to be alive."

"Po?"

"Kaya 'wag kang magreklamo kapag tinambakan ka ng problema. Tawanan mo lang dahil mahal ka ng panginoon," tapos ay tumawa siya ng malakas. "Hindi ka tao kung wala kang pagsubok na pinagdaraanan."

Tumango-tango na lang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na tatatak sa akin ang mga salitang iyon.

Pagkatapos ay iniwan niya na ako. Sinundan ko siya ng tingin.

Inisip kong may saltik siya sa utak o wirdo.

Noong una ay hindi ko siya maintindihan. Buong gabi ko iniisip ang mga katagang binitawan ng matanda, kung sino siya at bakit niya ako kinausap. Hanggang sa natagpuan ko na lang ang sariling inaabangan siya sa garden ng hospital at makikipagkwentuhan.

"Anak? Sino yung kinakausap mo sa labas?" Minsan ay tinanong ni mama sakin.

"Kaibigan po," sagot ko sa kanya.

Nasa kwarto ko kami nang bumisita siya. Umupo siya sa tabi ko hinaplos ang buhok ko. Ugali niyang hawakan iyon tapos guguluhin.

"Masaya akong nakipagkakaibigan ka na, anak,"huminga ito ng malalim at ngumiti. "Hindi na ako makapaghintay na gumaling ka, Draquen."

Ginantihan ko siya ng malambot na ngiti.

"Ako rin, ma. Kapag nakalabas ako rito, gusto kong puntahan lahat ng magagandang lugar, kumain ng hindi ko nakakain rito at makapagsaya."

"Tama, ganyan nga. Huwag tayong susuko, kaya natin 'to... hmm?"

Some bright smiles is deceitful, behind it is a deep sorrow and darkness. My mother may show me her bravery but I know she's in the verge of giving up. Na kahit kalmado siyang nag-aalaga sa akin ay pilit niyang nilalabanan ang matinding luha at hinagpis.

Since Then (Alive Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon