I want to thank myself for having enough courage to finish a story, for staying strong, and for fulfilling my dream. This story is flawed, so many errors and lame but soon I will fix this. After all, I'm still young, I'm in progress and I can still improve. Thank you, Almighty and to all. God bless♥This is dedicated to my precious friends Jenny, Ara, Michelle and Janica, etc.
--
I am staring intensely at my professor as he lectured, trying my best to focus despite of this punk besides me who keeps on talking nonsense.
"Tokwa, wala akong naiintindihan."
"Napakapanget naman ng boses nito, leche, dapat naging lasinggero na lang siya sa kanto."
"Tss, kakaantok," I saw him yawned then turn to me. "Elle, drop na natin 'to?"
This guy beside me keeps on blabbering until I cannot take longer.
"You know what?"
"What?"
"May napapala ka naman ba sa panlalait mo sa guro? You're just disturbing someone who wants to learn," I said completely pissed.
"Bad,"sabi niya. "He's right, you're so harsh."
Saglit akong natigilan sa sinabi niya. Sinong tinutukoy niya? Someone popped on my mind but I quickly brush it off.
"Paano ka matututo n'yan? Hindi ka nakikinig tapos pangit pa ng asal mo sa harapan ng guro. Tapos lagi mo akong ginugulo, hindi ka naman ganyan, ah. Gusto mo ba ako?"
Napanganga siya sa sinabi ko pagkatapos ay nagtakip ng bibig. Nagpipigil na ng tawa. Napairap ako sa kawalan. Nagmumukha na ata akong clown sa paningin niya't natatawa siya sa lahat ng sinasabi ko.
"Be serious, nakakahiya sa Professor natin."
Ngumuso siya. Hindi sineryoso ang sinabi ko, kunwaring malungkot, ako naman ay laging naiinis. It happens everyday. Parang tumatanda siya nang paurong, ang wierd lang minsan kasi hindi naman siya ganyan, nagseseryoso siya tuwing may lecture at 'di hamak na mas matino kaysa ngayon.
Napalingon ulit ako nang makarinig ng malulutong na tunog ng plastic at pagnguya. Bumuntong hininga ako nang makita sa ilalim ng desk ang junk food na nagawa niya pang ialok sa akin.
Umiling ako. Tinuloy ko ang ginagawa.
Sa dalawang taon na naging kaklase ko si Gino sa mga minor subject ay mas nakilala ko pa ang pagkatao niya. Matakaw siya, madaling tamarin sa lectures at walang habas ang pagputak ng bibig dinaig pa ang chismosang babae na kaklase ko dati, pero maasahan naman kapag seryoso na.
Si Joy din na akala kong sobrang tahimik ay palakwento rin pala, naroon pa rin ang hinhin pero mas masayahin siya higit sa inakala ko.
Si Salli? Mahadera pa rin. Kaya walang boyfriend o manliligaw dahil napakabitter at naglalatag ng napakataas ng standard. Ang huli kong balita ay kakabasted niya lang ng tatlong manliligaw nitong nakaraang buwan.
Naubos na ni Gino ang pagkain niya, ngayon isang bottled juice na naman ang pinagkakaabalahan. Buti't hindi siya nahuhuli at hindi naman ako nadadamay.
Hindi kami napapansin dahil nakatalikod ito at abala sa pagsusulat sa whiteboard habang pumuputak. I am also taking down notes on the important details.
"Eto na yata ang ikakabagsak ko," dinig ko na namang reklamo ng katabi ko. Kakamot-kamot siya sa ulo at tamad na nilalaro ang ballpen.
"Shh..."
"Elle, huy... patulong naman. May seatwork na na binibigay si panot oh."
"Psst."
I pretend I didn't hear anything. I continued writing as I do my best to maintain my patience. Iniinis niya na naman ako.
BINABASA MO ANG
Since Then (Alive Series #1)
Roman pour Adolescents"You made me brave, in every circumstance you never failed to remind me.... to be me." Elle Ain Reyes is a senior high student who thinks that she's living in a worst part of life, her perspective towards life is beyond everyone. Until Draquen Velos...