CHAPTER 8

724 14 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 8)

•LOISA POV•

Nagising ako sa pagising ni Kisses sa akin. Nakatulog pala ako nung pag uwi ko kanina.

" Anong oras naba Kisses?" tanong ko sa kanya saka tumayo

"Ate. alas otso napo ng gabi" sabi niya

" Ganun? ang tagal ko palang natulog" sabi ko saka inayos ang sarili

" Ganun na nga. Bumaba kana daw sabi ni Mama wala kapang kain" Sabi niya sa akin

" Diet nga ako" sagot ko sa kanya

" Di naman ganyan pag nag diet ate, dapat kumain ka parin pero kunti lang" sabi niya

" Oh sige na po." sabi ko saka siya inakbayan pababa ng kwarto

" Oh andyan na pala kayo. Halina at kumain" sabi sa amin ni Mama

" Nak? Maaga ka daw umuwi kanina?" tanong agad sa akin ni Mama

" Oo Ma" sagot ko

" Bakit?" tanong niya

" Ahh kasi po, di po ako nakapasok" sabi ko na ikatingin niya sa akin

" Bakit di ka nakapasok?" tanong niya

" Ma kasi nawala yung ID ko" sagot ko sa kanya

" Eh paano na yan bukas? di ka parin ba makakapasok?" tanong niya

" Susubukan ko po baka kasi---- awwww--"

" Hala? ate dumudugo yung paa mo may sugat ka" sabi ni Kisses kaya agad nilang hinila yung upuan ko para makita nila ng maayos

" Anak? ano to?" sabi niya sakin

" Kasi Ma, naaksidente ako kanina" sabi ko nang nakayuko baka kasi magalit siya sakin

" Aksidente? Bakit? anong nangyari?" pag aalala niyang tanong

" Muntikan na po akong nabangga ng sasakyan pero sa paa lang po tumama kaya yung paa ko lang po yung may sugat" paliwanag ko

" Halika gamutin natin yan" sabi niya at kumukha ng gamot

" Yan kasi ate di nag iingat" sabi ni Kisses sa akin

" Nag iingat naman ako , yung driver yung hindi nag iingat eh." sagot ko sa kanya

Pag ikaw Ronnie Ka! pag nakita kita ulit gaganti talaga ako! Nang dahil sayo di ako nakapasok kanina. Humanda ka sakin!!!!







•RONNIE POV•

"Anak? Balita ko nag transfer daw kayo?" tanong sa akin ni Mama

" Yes Ma" sagot ko

" Bakit naman?" tanong niya

" Kala ko ba nabalitaan niyo?" tanong ko sa kanya

" Sorry" sabi niya

" Busog na ako" sabi ko at akmang tatayo na sana ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko

" Pwede ba tayong mag usap" sabi niya at umupo nalang ako ulit

" Nak? Galit ka paba sakin?" tanong niya

" Ma, di ba obvious" sagot ko sa kanya

" Nak? kala ko ba napag usapan na natin to! ayos na diba?" sabi niya

" Anong akala mo Ma ganun lang kadali?" tanong ko sa kanya

" Hindi" sagot niya

" Ma? malaki parin ang kasalanan mo sa pag iwan sa amin ni papa tapos ngayon bumalik ka na parang wala lang" sabi ko sa kanya

" Nak please! Pwede bang tanggapin mo nalang na kahit kailan hindi ko na mahal ang papa mo" sabi niya

" Sige, at kalimutan mo na rin ako Ma" yun nalang ang nasabi ko saka tuluyan nang tumayo at pumuntang kwarto.






•JULIA POV•

"Mom?" tawag ko sa kanya nasa sala kami ngayon

" Yes?" sagot niya

" Kamusta naman po yung plano niyo ni Tita Audrey matutuloy paba yun?" tanong ko sa kanya

" Of course Julia itutuloy namin yun dahil yun ang gusto namin para sa inyo ni Ronnie" sabi niya

" Mom? baka kasi ayaw ni Ronnie" sabi ko

" Bakit ka naman niya aayawan eh crush na crush ka kaya nun dati" sabi niya

" Dati yun Mom. parang hindi na ngayon" sagot ko

" Nak? maganda ka! Mabait! Talented nasayo na ang lahat Nak sa tingin mo ba hindi ka magugustuhan ni Ronnie" Sabi niya

" Sana nga Mom," sabi ko

" Oh siya matulog kana , maaga kapa bukas" sabi niya at hinalikan ako sa noo at umalis na ako.

Sana may gusto pa rin sa akin si Ronnie. Sana tulad parin ng dati para kasing nag iba na siya.








•JOSHUA POV•

"Kuya? nililigawan mo naba si ate Loisa?" tanong sa akin ni Nash

" Uy hindi ah, hindi pa" sagot ko

" Sus! alam mo kasi kuya sa tingin ko mapapasagot ka kaagad ni ate Loisa" sabi niya

" Aba! Sige bakit?" tanong ko sa kanya

" Kasi si ate Loisa pag nag joke ka lang natatawa agad siya kahit di naman nakakatawa tapos lagi pa siyang nakangiti" sabi niya sa akin

" Ok nga no? pero teka nga bakit mo alam yan?" Tanong ko

" Eh kasi andun ako nung nag Mall kayo remember? sinusundan ko nga kayo eh" sabi niya

" Loko ka!!!" sabi ko sabay gulo ng buhok niya.

Soon. Magiging kami rin!



(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon