CHAPTER 17

604 14 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 17)

•LOISA POV•

Nagising ako sa isang maputing lugar na ang tanging ilaw lang ang nagliliwanag. Saan ba ako? Patay naba ako? Huwag naman sana.

" Miss? are you okay na? Nandito ka sa Clinic ko" tanong sa akin ng isang di kilalang boses
pagharap ko ay isang doctor ang tumambad sa aking paningin.

"Doc? Ano pong ginagawa ko dito?" tanong ko sa kanya

" Dinala ka dito ni Mr. Alonte dahil nawalan ka ng malay kanina" sagot niya

Naramdaman ko naman ang pananakit ng labi kaya hahawakan ko na sana ito ng pigilan ako ng Doctor.

"Huwag mo munang hawakan yan Iha kagagagamot ko lang yan baka dumugo ulit" sabi niya at di ko nalang naituloy pero masakit talaga siya.

" Oh sige papapasukin ko muna yung mga kaibigan mo" sabi niya

" Sige po" sagot ko at lumabas na siya.

Natawa nalang ako sa naging reaksyon ng dalawa nang nag uunahan silang pumasok.

" Loisa?" mangiyak ngiyak na sabi ni Maris at niyakap ako

" Nag aalala kami sayo" sabi naman ni Elisse

" Okay lang naman ako eh" sabi ko sa kanila

" Mukhang hindi ka okay. Ang laki kaya ng pasa sa labi mo. Nawala tuloy yung red lips mo napalitan ng black lips" sabi ni Maris na ikatawa ko at sinaway naman siya ni Elisse

" Ano kaba Maris? seryosong usapan to dinadaan mo sa biro." sabi ko at patuloy nalang sila sa pagbabangayan

" Ah si Joshua?" tanong ko sa kanila
" Hindi namin alam kasi pagpunta

namin dito wala siya" Sagot ni Elisse




•JOSHUA POV•

" Magkasama kayo sa punishment diba? Bakit di mo siya tinulungan?" galit na tanong ko kay Ronnie

" Nagkamali ako. Mas pinili ko yung training kesa kay Loisa kaya nga diba? payagan mo na akong pumasok para makapag sorry ako" Paliwanag niya

" Huwag na huwag kanang magpapakita kay Loisa kahit kailan. Ikaw ang nagdadala sa kanya ng malas" sagot ko sa kanya

Nauna na akong umalis at papuntang principal's office. Pagkarating ko dun ay andun pa naman si Mrs. Alvarez

" Oh Mr. Garcia bakit?" tanong ni Maam nang pumasok ako

" May pakiusap lang sana ako" sabi ko sa kanya

" Oh sige ano yun?" tanong ni Maam






•RONNIE POV•

Umalis si Joshua kaya agad akong pumasok sa Clinic. Nasa tapat na ako ng kwarto na kung saan ay nasa loob nito si Loisa. Dahan dahan ko namang pinihit yung Door Knob at binuksan. Napansin kung napatingin sila sakin

" Ah Loisa labas muna kami ni Maris ah! Bibili lang kami ng pagkain" sabi ni Elisse at hinila na niya si Maris
Nung nakalabas na silang dalawa ay napansin kung umiwas ng tingin sa akin si Loisa at nilapitan ko nalang siya.

" Loisa?" tawag ko sa kanya

" Nag abala ka pang pumasok pero di kita kailangan dito" sabi niya

" Sorry" sabi ko at dahan dahan siyang napatingin sakin

" Sorry? Di ko kailangan ng sorry mo. Umalis kana" Sabi niya sakin

" Loisa? Let me explain please" pakiusap ko sa kanya

" Umalis kana!" sigaw niya sakin

Napansin ko namang bumukas yung pinto at bumungad si Joshua agad siyang lumapit sa akin.

" Diba sabi ko na huwag na huwag ka nang magpakita kay Loisa" Sabi niya sakin

" Sino kaba ah? makaasta ka daig mo pang tatay ni Loisa. Bakit kaibigan mo lang siya diba? Di mo siya pagmamay- ari" sabi ko sa kanya

Akmang susuntukin na sana niya ako nang magsalita si Loisa

" Ano ba? Hindi ba kayo titigil. Pwedeng bang umalis nalang kayo. Alis!!!" sigaw niya samin napansin kung naiiyak na si Loisa kaya nilapitan ko siya

" Loisa sorry! sorry! sorr-------" naputol na yung sasabihin ko nang sinampal niya ko

" Di kaba makaintindi? sabi ko alis?" mahinang sabi niya pero may halong galit.

Agad na rin akong tumayo at lumabas.
Loisa Sorry! di ako magsasawang sabihin sayo yan!






• JULIA POV•

" Urghh nakakairita na yan Loisa na yan ah, Sobra na siya!!" naiinis kung sabi dahil nakita ko yung pangyayari pagkatapos kung buhusan .

" Alam mo namang pwede yung mangyari" sabi ni Sue

" Pwede ba tumahimik kana diyan" sabi ko kay Sue

" Hintayin nalang niya ulit yung ganti ko" sabi ko

" Eh ano na naman ba plano mo?" tanong sa akin ni Sue

" Labas kana dun huwag mo na akong samahan kasi baka maboking pa ako" sabi ko na ikatigil niya

Hindi man ako nagtagumpay , sisiguraduhin kung pagtatagumpayan ko rin ang mga ganti ko. Humanda ka sakin Loisa Andalio






(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon