CHAPTER 69

514 10 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 69)

•LOISA POV•

Natahimik naman siya sa sinabi ko at bigla nalang siyang nagseryoso ng tingin

" Hindi mo na ba ako mahal?" tanong niya sa akin

" Ronnie sa tingin ko hindi na talaga natin to pwedeng pag usapan pa" sabi ko sa kanya

" bakit naman hindi?" tanong niya

" Kasi masaya na tayo.. Tapos na yung dati diba?" tanong ko sa kanya

" Tapos na nga ba loisa?" tanong niya sa akin

" Oo" sagot ko

" Paano mo masasabing tapos na ang isang relasyon kung may nararamdaman pa rin kayo sa isa't isa?" tanong niya sa akin

" Ano bang pinagsasabi mo? Wala na tayong nararamdaman sa isa't isa" sabi ko sa kanya

" Alam ko na alam mong hindi mo pa rin maitatangi sa sarili mo na mahal mo pa ako diba?" tanong niya sa akin

" Ronnie------"

" Mahal pa kita loisa" sabi niya sa akin

" Huwag mo na akong mahalin nang dahil lang diyan sa nararamdaman mo, Huwag mo akong mahalin dahil tapos na tayo.. Yun ang katotohanan" sabi ko sa kanya

" Mahal mo pa ba ako?" tanong niya sa akin

Hindi ko naman matiis ang sarili ko kaya kahit na malakas pa rin ang ulan ay naglakad na ako pero hinabol niya pa rin ako!

" Loisa sagutin mo!!" sigaw niya sa akin

Hindi ko lang siya pinakinggan at nagpatuloy lang ako sa paglalakad! Malapit lang din naman dito yung bahay namin.

Bigla naman niyang nahawakan ang kamay ko at hinarap ko na siya

" Oo ronnie!!! Mahal pa rin kita!!" sigaw ko sa kanya

" Kahit anong pilit at pagkukunwari ko sa sarili ko na kalimutan na kita pero ronnie hindi eh" sabi ko sa kanya

" Kung ganun may pag asa pa" sabi niya sa akin

" Yun ang hindi na maaari, hindi na maaari ronnie" sabi ko sa kanya

Lumapit naman siya sa akin at hinawakan ang kamay ko

" Loisa ipaglaban natin to! Haharapin natin nang magkasama ang mga taong pilit na ipaghiwalay tayo" sabi niya

" Pero ronnie mommy mo yung kakalabanin natin" sabi ko sa kanya

" Kahit sino pa loisa basta makasama lang kita ulit" sabi niya

" Hindi ronnie.. Gustuhin man nating ibalik yung dati, pero wala na rin pang pag asa. May mga tao tayong masasaktan pag ginawa natin to" sabi ko sa kanya

" Ipapaintindi naman natin kay julia at joshua eh" sabi niya

" Sorry ronnie.. ayokong masaktan si joshua hindi niya yun deserve! Siya yung laging nagpapasaya sa akin ngayon at dahil sa kanya natutunan ko na ulit ngumiti" sabi ko sa kanya

" Loisa please! please ayokong mawala ka sa akin..paano nalang yung pangako natin sa isa't isa? ikaw ang gusto kong makasama sa harap ng altar loisa" sabi niya

" Ako din ronnie.. Ikaw ang gusto kong makitang naghihintay sa akin na makalapit sa altar pero hindi ako ang babaeng karapat dapat sayo" sabi ko sa kanya

" Loisa-------------------"

" Please ronnie nakikiusap ako.. Huwag mong saktan si julia para lang dito mahal na mahal ka niya.. Maging masaya nalang tayo para sa isa't isa" sabi ko

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon