CHAPTER 65

485 9 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 65)

•RONNIE POV•

Umuwi na agad kami ni julia sa bahay kasi gusto kong pag usapan ang tungkol doon sa mga sinasabi ni joshua sa akin

" Ronnie ano ba ang dapat nating pag usapan?" tanong niya sa akin

Nandito na kami ngayon sa loob ng bahay at hinanap ko kaagad si mama

" Ma!!!!" sigaw ko at nakita ko naman siyang bumaba na ng hagdanan

" Ronnie bakit ka sumisigaw?" tanong sa akin ni mama at tumabi na siya kay julia

" Totoo ba?" tanong ko sa kanila

" Anong ibig mong sabihin?" tanong sa akin ni julia

" Totoo bang kayo ang dahilan kung bakit ako iniwan ni loisa nung araw na yun?" tanong ko sa kanila

Nakita ko naman sa mga mata nila ang gulat at kaba sa sinabi ko,

" Sagot!!!" sigaw ko sa kanila at lumapit na sa akin si julia

" So alam mo na pala" sabi niya

" Totoo nga! totoo ngang kayo ang dahilan kung bakit nangyari sa amin to sa amin ni loisa" sabi ko sa kanya

" Anak sana man lang maintindihan mo kung bakit namin yun ginawa" sabi ni mama

" Paano ko kayo maiintindihan Ma? kung ako mismo hindi niyo naintindihan, alam niyo naman kung gaano ko kamahal si loisa diba pero sinira niyo" sabi ko sa kanila

" Ronnie ginagawa lang namin kung ano ang makakabuti para sayo at para sa atin" sabi ni julia

" Sa tingin niyo ba nakakabuti yun sa akin? Sobrang nagsisisi ako kasi si loisa ang sinisisi ko sa nangyari pero kayo lang pala ang dapat sisihin dito eh" sabi ko sa kanila

" Ronnie hindi mo na mababago ang nakatadhana! ikakasal tayo after graduation" sabi ni julia sa akin

" At kapag naikasal na kayo anak, mapapataas na ang ranking ng company natin at balang araw ay mapasainyo ni julia ang company na yun" sabi ni mama

" Masaya kana dun Ma? na kapag mapataas ang ranking ng company natin, eh paano naman ho yung kasiyahan ko? hindi niyo ba naisip yun?" tanong ko sa kanila

" Magiging masaya ka anak pag nakalimutan mo na si loisa" sabi niya
" Pinagpalit niyo ang kasiyahan ko para sa kasiyahan niyo...hindi ako makapaniwala na magagawa niyo to" sabi ko kay mama

" Huli na din ang lahat ronnie, nalaman mo na nga ang katotohanan pero hindi mo maitatangging sinukuan kana ni loisa..." sabi sa akin ni julia

" Hindi niya ako susukuan kung hindi niyo siya tinakot.. Napaka selfish niyo" sabi ko sa kanila

Lumapit naman sa akin si julia at hinawakan ang kamay ko

" Ronnie sinukuan kana ni loisa.. Dapat kalimutan mo na din siya nandito naman ako eh" sabi niya sa akin at binitawan ko na ang kamay niya

" Magsaya na kayo.. nakuha niyo na yung gusto niyo eh" sabi ko at lumabas na ako ng bahay!

Kailangan kong humingi ng tawad kay loisa.. siya yung sinisisi ko sa mga nangyari hindi niya deserve na masaktan ng ganito..







•JOSHUA POV•

Kanina pa ako dito naghihintay sa labas ng bahay nila loisa.. ilang beses na akong sinabihan ni kisses na ayaw daw akong kausapin ni loisa pero nandito pa rin ako

Maya't maya pa ay nakita kong bumukas ang pintuan ng bahay nila at lumabas siya.

" Loisa" tawag ko sa kanya

" Ano pang ginagawa mo dito?" tanong niya sa akin

" Galit ka ba?" tanong ko sa kanya

" Paanong hindi! Sinabi mo kay ronnie yung totoo" sabi niya

" Sorry na please, ayoko lang namang kinukulit ka niya para sabihin yun kaya sinabi ko nalang" sabi ko

Lumapit naman siya sa akin at nakangiting tumingin!

" Bakit ka nakangiti?" tanong ko sa kanya

" Wala lang" sabi niya

" Anong wala? may dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya

" Kalimutan mo na may naalala lang kasi akong nakakatawa" sabi niya

" So okay na tayo? hindi kana galit sa akin?" sabi ko sa kanya

" Oo na okay na..huwag ka nang mag drama" sabi niya

Nabigla naman siya ng bigla ko siyang niyakap!

" Loisa! nakita na rin kitang ngumiti! sana pagpatuloy mo nang ganyan" sabi ko sa kanya

" Susubukan ko" sabi niya at agad naman akong humarap sa kanya

"Pumasok kana sa bahay niyo" sabi ko sa kanya

" Sige ikaw din" sabi niya at pumasok na nga siya sa bahay nila

Naglakad na rin ako pauwi sana sa bahay nang biglang may kotse na huminto sa harapan ko at bumaba nito ay si ronnie!

" Joshua" tawag ko sa kanya

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

" Alam ko na ang lahat" sabi niya

" Yun lang ba ang pinunta mo dito?" tanong ko sa kanya

" Gusto ko lang sanang tanungin kung kayo naba si loisa" sabi niya

" Bakit? babawiin mo siya sa akin?" tanong ko sa kanya

" Nakita kong masaya na nga si loisa sayo" sabi niya

" Masaya na si loisa sa akin.. Sabi ko naman kasi sayo noon pa, Sa oras na masaktan si loisa nang dahil sayo hindi ako magdadalawang isip na bawiin siya" sabi ko sa kanya

" Naiintindihan ko..sobrang laki ng kasalanan ko kay loisa at pinagsisihan ko na yun ngayon" sabi niya

" Buti naman at alam mo" sabi ko

" Nandito ako para sabihin sayong papalayain ko na si loisa... Hindi ko na siya guguluhin para hindi na siya masaktan.. Ingatan mo si loisa huwag mo siyang pabayaan" sabi niya at bumalik na sa kotse niya at umalis








•JULIA POV•

" Tita saan naman kaya pupunta si ronnie?"tanong ko kay tita

" Hindi ko din alam" sagot niya

Maya maya pa ay nakita kong bumukas ang pintuan at pumasok na si ronnie!

" Ronnie saan ka galing?" tanong ko sa kanya

" Julia.. Ma? sorry sa mga nasabi ko sa inyo kanina" sabi niya

" Huwag mong aalahanin yun Ronnie.. tama ka naman eh, kasalanan talaga namin yun" sabi ko

" Julia..huwag mong isiping hindi ko itutuloy ang kasal! Dahil nakapag desisyon na ako" sabi niya sa akin

" Anong desisyon mo?" tanong sa kanya ni tita

" Kakalimutan ko na po si loisa.. at magsimula ng panibagong buhay kasama si julia" sabi niya at napangiti naman ako sa sinabi niya at agad ko siyang niyakap

" Salamat ronnie..hindi mo lang alam kung gaano mo ako napasaya ngayon" sabi ko sa kanya

" Ipapangako kong hindi na ulit kita sasaktan" sabi niya sa akin






(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon