CHAPTER 42

580 10 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 42)

•LOISA POV•

(Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa pagbukas ng pinto at tumambad sa aking paningin ang isang lalaking naghihintay sa aking makalapit, Parang kino-control ako ng aking mga paa na lumapit sa kanya at sa aking paglapit ay sabay kaming lumapit sa altar. Nakinig lang kami sa pari na nagsasalita at isa-isa kaming nagsasabi ng " I DO", isinuot niya sa akin ang singsing at ganun din ako sa kanya at dahan dahan niyang inilapit sa akin ang aking mukha at)

"ATE!!!!! GUMISING KANAAA" isang makabinging sigaw ang narinig ko mula sa aking kapatid

"Kisses ano ba? andun na yun eh, yun na yun" sabi ko

"Anong yun na yun ate? di kita maiintindihan, bumangon kana nga diyan at may naghihintay sayo sa labas" sabi niya na at bigla naman akong napatayo

"Talaga??? sinoo?" tanong sa kanya

" Iww ate, mag toothbrush kana nga" sagot niya

"Eeeh wala akong pakialam, sino ang naghintay sa labas" tanong ko

"Wala!!! binibiro lang kita kasi kung di kita bibiruin di ka naman gigising kaya maligo kana " sabi niya at lumabas.

Tss. ito talagang kapatid ko, makaligo na nga, kala ko pa naman hinihintay talaga ako ni ronnie. Hindi niya ba ako susunduin? tss.









•RONNIE POV•

Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko na agad ang bag ko at aalis na sana ng tinawag ako ni Mama.

"Ronnie anak" tawag niya sa akin

" Ma, papasok na po ako ng school" sabi ko at tatalikod na sana

"I heard may girlfriend ka na daw?" tanong niya sa akin

"Saan niyo nalaman" tanong ko rin

"Nalaman ko kay Julia, sinabi niya sa akin. Ronnie wala ka bang balak na ipakilala siya sa akin?" tanong niya

" Akala ko ba hindi ka interesado sa personal kung buhay, may pakialam ka rin pala" sabi ko at lumapit naman siya sa akin

"Anak, sorry sa mga pagkakamali ko sayo noon, nakita mo namang pinagsisihan ko na yun. Anak hindi naman ako magagalit kong may girlfriend kana sapagkat susuportahan pa kita" sabi niya sa akin

"Sana nga Ma" sabi ko at umalis na.

Pagkalabas ko ay nakita ko naman ang driver ko.

"Alis na ba tayo sir?" tanong niya sa akin

"Manong, ako nalang po ang magmamaneho" sabi ko

ibinigay naman niya sa akin ang susi at pinaandar ko na ang sasakyan.








•LOISA POV•

" Anak? kailan mo ba dadalhin sa akin ang boyfriend mo?" tanong sa akin ni Mama

"Ahh ipapakilala ko rin po siya sa inyo sa mga susunod na araw pero sa ngayon po---" naputol ang sasabihin ko nang lumapit sa amin si Manang Lita

"Ahh sorry po kung nakaisturbo ako, Uhmm may tao po kasi sa labas" sabi niya

"Sino po Manang?" tanong ni Kisses

"Si ronnie po" sagot niya na ikagulat ko

" sige Manang papasukin mo" sabi ni Mama

Tiningnan lang namin si manang na lumapit sa pinto at pinagbuksan si ronnie. Nakita ko namang nakangiting lumapit sa amin si ronnie na may dalang bulaklak.

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon