CHAPTER 43

514 12 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 43)

•RONNIE POV•

" Salamat sa paghatid" sabi sa akin ni loisa.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay nila.

" Wala yun, obligasyon ko naman to bilang boyfriend mo" sabi ko na ikangiti niya

" Alam mo naninibago pa rin talaga ako," sabi niya

" Masasanay ka din" sabi ko

" Oh sige na, umuwi kana baka mapagalitan ka pa ng mommy mo kung bakit ginabi ka" sabi niya sa akin

" Okay lang yun, kahit naman hindi na ako umuwi wala pa ring pakialam yun eh" sabi ko

" Ronnie, kung ano man yung sama ng loob mo sa mommy mo alisin mo na yan" sabi niya sa akin

" Hindi yun ganun kadali loisa eh, sobrang sakit ng ginawa niya sa akin, sa amin ng daddy ko" sabi ko

" Alam mo Ronnie, diba nga pag may kasalanan tayong nagawa sa mga magulang natin madali lang para sa kanila ang magpatawad dahil anak nila tayo eh, kaya kung ano man yung nagawa sayong kasalanan ng mommy mo sana ganun din kadali sayo ang magpatawad" sabi niya sa akin.

Bigla naman akong nakaramdam ng guilty dahil dun sa sinabi ni loisa, Napakasama ko ba talagang anak?

" Sige na umuwi kana, goodnight" sabi niya sa akin

" Pumasok kana" sabi ko

" Tsaka na pag nakaalis kana" sabi niya

" sige, goodnight" sabi ko at sasakay na sana sa kotse pero binalikan ko muna siya.

" Bakit?" tanong niya

Nabigla naman siya nung hinawakan ko ang mukha niya at hinalikan ang noo niya saka niyakap.

" Salamat loisa, ang swerte ko sayo" sabi ko

" Baka mag da-drama ka na naman eh, sige na magpahinga kana" sabi niya at kumaway sa akin saka na ako tuluyang sumakay sa kotse at umalis.

And now, i realized na kung gaano ako kasamang anak. Sana mapatawad ako ni mommy for all my mistakes.







•LOISA POV•

Pagkaalis ni ronnie ay papasok na sana ako nang biglang may tumawag sa akin sa di kalayuan.

" Loisa!!" tawag sa akin ni joshua at lumapit na siya sa akin

" Oh joshua, bakit di ka pumasok kanina?" tanong ko sa kanya

" Ah kasi late na akong nagising" sagot niya

" Ahhh gusto mong pumasok muna sa loob?" tanong ko sa kanya

" Hindi huwag na, hindi naman ako magtatagal eh may ibibigay lang sana ako sayo" sabi niya sa akin

" Ano naman yun?" tanong ko

Kinuha niya sa bulsa ang sinasabi niyang ibibigay sa akin at laking gulat ko sa ipinakita niya.

" Itong bracelet". sabi ko at nakangiting kinuha yun sa kanya

" Naalala mo pa yang bracelet na yan?" tanong niya sa akin

" Yan yung bracelet na ibinigay natin sa isa't isa nung mga bata palang tayo" sabi niya ulit sa akin

" Akala ko talaga nawala na tong sa akin eh, na sayo pala?" tanong ko sa kanya.

" Oo" sagot niya

" Paano?" tanong ko sa kanya

" Di na mahalaga kung paano, ang mahalaga ay na sa iyo na rin ulit ang bracelet mo" sabi niya sa akin

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon