CHAPTER 33

626 12 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 33)

 
  • LOISA POV•

Pagkatapos naming mag usap ni Maris ay nagtungo na agad kami dito sa gym for the training. Matagal tagal na rin nung huli akong nakapag practice nang dahil yun sa pasa kong mukha at nasundan pa ng pagkasugat ko sa paa, pero ngayon makakalaro na rin ako.

Malapit na din kasi ang big event na paglalabanan ng basketball team and volleyball team for national contest. Kaya ngayon mas naging maigi pa kami sa pagpa-practice para dun!

" Ms. Andalio welcome back, did your legs feeling okay naba?" Tanong sa akin ni Coach Jethro.

" Yes Coach, tsaka namiss ko po talagang mag practice" sagot ko kay coach

" Mabuti naman kasi nung wala ka dito , lagi nalang matamlay ang mga team mates mo." sabi ni Coach na ikangiti ko at napatingin sa kanila.

" Buti naman Loisa at nagbalik kana" sabi nung isa kong kasama.

" Namiss ka talaga namin ng sobra Loisa, namiss namin yung mga tips mo" sabi naman nung isa pa

" Hay! salamat naman at ikaw na ulit ang magtuturo sa amin , sawang sawa na kami kay Julia" sabi nung isa pa. Maya-maya pa ay dumating naman si Julia

" Ganun ba? Sawang-sawa na kayo sa akin?" sabi ni Julia doon sa babaeng nagsasalita kanina.

" Nandito ako sa school niyo para tulungan kayong maipanalo ang national contest. Pasalamat pa nga kayo at pumayag akong pumunta dito" sigaw ni Julia.

" Ms. Barretto" sabi ni Coach Jethro.

" Im so sorry Coach, pero sumosobra na yata yung team mo. Pasalamat pa nga sila nung wala dito si Loisa ako ang tumatayong leader niyo" sigaw ulit ni Julia.

" Stop it guys, May point naman si Julia eh, magpasalamat nalang kayo" sabi ko

" Okay guys, let's start the practice" Sigaw ni Coach at nag formation naman agad kami.









• JOSHUA POV•

"Mr. Garcia? bumababa yata ang energy mo ngayon ah?" tanong sa akin ni Coach Alex.

" Sorry po sir" sagot ko

" Haay! break!!" sigaw ni Coach.

Agad naman akong umupo sa gilid at uminom ng tubig. Buong practice wala akong ibang iniisip kundi si Loisa. Hindi na ata tama to! yung palagi ko nalang iniisip si loisa tuwing magkasama sila ni Ronnie.

" Joshua?" tawag sa akin ni Ronnie at tumabi sa akin

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

" Bakit wala kang kabuhay-buhay kanina sa practice?" tanong niya

" Wala kang pakialam" sagot ko

" May iniisip ka?" tanong niya

" Ano naman kung meron, tsaka huwag ka ngang tanong ng tanong" sagot ko sa kanya

" Alam kong iniisip mo" sabi niya

" Nababasa mo? kakaiba ka pala" sabi ko at natawa siya ng kunti

" Tungkol ba kay Loisa at sa akin?" tanong niya na ikatingin niya sa akin

Agad naman akong napatingin sa area kung saan nagpa-practice sila Loisa at napansin ko ding doon nakatingin si Ronnie.

" Joshua! Alam kong matalik na magkaibigan kayo ni Loisa mula bata pa kayo, pero sana man lang maintindihan mo na may sarili din siyang kaligayahan. At ang kaligayan niya lang ay ako" sabi niya at tumingin sa akin ng nakakaloko.

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon