CHAPTER 72

523 12 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 72)

•LOISA POV•

Nagising ako sa sikat ng araw na nagrereflect sa bintana ng kwarto ko.. Agad na rin akong tumayo at pumasok na ng banyo..

Ilang minuto ang nakalipas at natapos na akong maligo.. pagkalabas ko nang banyo ay nahagip naman ng mata ko at invitation na nasa mesa!

" Ngayon pala yung kasal nila.. di ko alam ko pupunta ba talaga ako o hindi" sabi ko sa sarili ko at ibinalik ko na yun sa mesa at nagbihis na agad ako

Pagkalabas ko nang kwarto ay nakita ko naman si joshua na nasa sala nagulat naman ako na naka bihis na pala siya

" Joshua" tawag ko sa kanya

" Akala ko hindi ka tutuloy" sabi niya sa akin

" Bakit naman ako hindi pupunta" sabi ko sa kanya

" Tara na" sabi niya sa akin

Lumabas na rin kami ng bahay at pumara na ng taxi..







•RONNIE POV•

Nandito ako ngayon sa kwarto ko.. Tinitingnan ang sarili sa salamin!
Ikakasal na kami ni julia.. magka pamilya at maging tagapag mana na ng company namin.

Tama ba talaga tong desisyon ko?
Pero ayokong masaktan si julia..
Kung ito talaga ang nakatadhana para sa akin.. Bakit ko pa tatanggihan

" Anak are you ready?" tanong sa akin ni mama

Pumasok naman siya sa kwarto ko at lumapit sa akin

" Parang kailan lang nung karga karga pa kita tapos ngayon ikakasal kana" sabi niya sa akin

" Ma dapat ba akong maging masaya?" tanong ko sa kanya

" Oo naman.. bakit naman hindi" sabi niya

" Ma marami pa po akong gustong mangyari sa buhay ko..Hindi po ba parang ang bilis naman ng pangyayaring to?" tanong ko sa kanya

" Ano ba ang pinagsasabi mo anak, kung kailan naman eh nandito na aatras ka." sabi niya sa akin

" Oh sya, lumabas kana agad ah?" sabi niya sa akin at lumabas na siya ng kwarto ko

Inayos ko lang ang suot ko at tumayo na at lumabas!

Pagkalabas ko ay nakahanda na ang kotse at umalis na kami papuntang simbahan







•JULIA POV•

" You look so gorgeous anak" sabi ni mommy sa akin

" Thankyou mom.. Finally, ikakasal na rin ako" sabi ko sa kanya

" Yes! at wala nang makakapigil pa sa kasal niyo" sabi niya sa akin

" Pangarap ko lang to dati Mom pero I really can't believe na natutupad na ngayon" sabi ko sa kanya

" Im so happy for you" sabi niya sa akin

This is the day!! The day that I've been dreaming of.. Ikakasal na kami ni ronnie..







•JOSHUA POV•

" Nandito na tayo" sabi ko sa kanya kasi kanina pa kami hindi bumaba sa taxi

" Sige bababa na tayo" sabi niya sa akin at nauna nang bumaba

Nakita naman namin sila Maris, Elisse, Inigo at Mccoy kaya lumapit na rin kami sa kanila

" Joshua, loisa mabuti naman at nakapunta kayo" sabi sa amin ni elisse

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon