CHAPTER 51

479 7 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 51)

•LOISA POV•

" Good Morning Mother and Sister" bati ko sa kanilang dalawa at hinalikan sila sa pisngi

" Weird" sabi ni Kisses

" Good morning din anak, Eh kamusta naman yung date niyo kagabi ni Ronnie?" tanong sa akin ni Mama

"May date kayo kagabi ate? Kaya pala iba ang gising mo ngayon" sabi ni Kisses

" Okay lang naman Ma, sobrang saya nga eh" sagot ko at umupo na tsaka kumuha na rin ng pagkain

" Ate wala kayong pasok ngayon diba? Samahan mo naman ako sa Mall oh may bibilhin lang akong projects" sabi niya sa akin

" Oo naman, pagkatapos nating kumain" sagot ko at kumain na rin kami

Habang nasa kalagitnaan kami ng pagkain ay biglang nag ring ang cellphone ko kaya agad ko ring sinagot.

" Hello? sino to?" tanong ko

" This is ronnie's mother" sagot niya. Natuwa naman ako kaya agad akong napatayo

" Hello tita" sabi ko sa kanya

" Busy ka today?" tanong niya sa akin

" Ah hindi naman po bakit?" tanong ko sa kanya

" Pwede ba tayong magkita i-message ko sayo ang address" sabi niya

" Sige po, see you mamaya tita" sabi ko pero binabaan niya kaagad ako.

" Ate tapos na ako, magbibihis lang ako ah" sabi ni kisses sa akin

" Ah kisses? sorry ha pasabay ka nalang sa mga kaibigan mo may biglaan kasi akong lakad eh" sabi ko sa kanya

" Anak? sino ba yung tumawag" tanong sa akin ni Mama

" Mama po ni Ronnie,  gusto niya raw akong makausap" sabi ko sa kanila

" Ganun ba ate, ah sige sa susunod nalang" sabi niya at muli nang naupo

" Sorry talaga kisses, promise babawi ako" sabi ko sa kanila

" Ma? magbibihis lang po ako" sabi ko at dali-dali nang pumasok sa kwarto ko










•RONNIE POV•

" May lakad ka po Ma?" tanong ko kay Mama nang makita ko siyang inaayos ang damit niya

" Oo anak, makikipagkita ako kay Loisa" sagot niya sa akin

" Nakakatuwa naman po kung ganun" sabi ko sa kanya

" Oh sya aalis na ako ah" sabi niya at aalis na sana nang bigla ko siyang niyakap

" Ma? salamat po sa pagtanggap mo sa amin ni loisa sobrang saya ko Ma" sabi ko sa kanya

Wala akong narinig na sagot niya pero naramdaman kong parang naiyak siya.

" Ma umiiyak po kayo?" tanong ko sa kanya

" Hi-hindi anak, sige aalis na muna ako" sabi niya at umalis na.

Parang may kakaiba kay Mama ngayon. Biglaan siyang makipagkita kay Loisa pero parang hindi siya masaya.








•LOISA POV•

Nandito na ako sa coffee shop na sinabi sa akin ni Tita. Kanina pa ako naghihintay hanggang sa nakita ko na siyang papalapit sa table ko.

" Hi po tita" sabi ko at bineso-beso siya

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon