CHAPTER 29

617 10 0
                                    


STILL INTO YOU

   (Chapter 29)

• LOISA POV•

Loisa? Kaya mo to okay? kakayanin mo to! Manalo man o Matalo ang importante masaya ka sa ginagawa mo! By the way , nasa classroom kami ngayon na ginagawa naming dressing room , All girls contestant ay nandito lahat sa kabila naman ay All boys!

" Loisa? you look so beautiful" sabi sa akin ni Maris
" Ikaw din naman eh!" sabi ko
" Alam mo Bes? sa tingin ko ikaw ang mag uuwi ng korona mamaya" sabi niya at hinawakan ang kamay ko
" Paano ka naman nakakasiguro" tanong ko sa kanya
" 100% pretty sure na magwawagi ka, Actually di ko rin naisip kong bakit kita kinalaban" sabi niya sa akin
" Ano kaba Maris , bakit? kinakatatakutan mo na ako?" sabi ko sabay tawa niya
" Oo kasi mapapahiya lang  ako" sabi niya
" Hayaan mo , pag nanalo nga ako , ibibigay ko sayo ang korona" sabi niya saka tumawa
" Huy joke lang! syempre sayo yun no" sabi niya
" Haha alam mo?  Ang advance nating mag isip" sabi ko
" Haaha oo nga no? baka kabaliktaran pa ang mangyari eh" sabi niya at nagtawanan nalang kami

Maya maya pa ay sumigaw naman si Julia sa likuran ko habang mini-makeup-an siya.

" Grabe!!!! Ang ingay" naiinis niyang sabi

Napatigil naman kami sa pagtawa at tumingin sa kanya
" Sorry" sabi ko
" Huwag nga kayong excited! For sure naman na matatalo kayo mamaya" sabi niya at tumayo
Dahan dahan naman siyang lumapit sa akin
" Ganda ng gown mo ah" sabi niya at hinawakan ang gown ko
" Bes? baka madumihan yang gown mo" pabulong na sabi ni Maris
" What did you say?" tanong ni Julia sa kanya
" Ahh sabi ko ang ganda ng gown mo saan mo yan hiniram?" tanong ni Maris sa kanya
" Excuse me. Maris may pambili ako" sabi ni Julia
" Okay" sagot ni Maris

Katahimikan ang namayani sa amin nang may biglang tumawag sa akin

" Loisa? may naghahanap sayo" sabi nung kasamahan namin
" Oh sige. salamat" sabi ko at tumayo na bitbit yung gown ko kasi baka maapakan ko pa! Hindi muna ako nag heels nag tsinelas muna ako












• JULIA POV•

Habang palabas si Loisa hindi ko naman maiwasang mapatingin sa gown niya! Well magkano kaya ang hiram nila dyan,

" Excuse me" sabi ni Maris at dumaan sa gilid ko at naapakan pa niya ang gown ko 

" Oh my!!!" sigaw ko
" Oh Im sorry Julia" sabi niya at tuluyan ng umalis

" Litseng babae to! balak pa yata akong dumihan" sabi ko.

Patingin tingin ako sa kabuuhan ng classroom nang biglang may umagaw ng atensyon ko!

Nakita ko ang heels ni Loisa sa gilid ng bag niya , siguro naman sa kanya to! Well!Well!Well! Perfect!..









• RONNIE POV•

" Oh Ronnie" tawag sa akin ni Loisa at agad naman akong humarap!

Pagkakita ko palang sa kanya!

WOW!!!! Para akong nakakita ng Anghel na bumaba sa langit para makita ko! Para magustuhan ko! at para mamahalin ko habang buhay!

Loisa? Im fallin inlove with you , I will never lost you! I will Love you always!
" Huy? Ronnie may multo ba?" tanong niya sa akin
" hindi multo ang nakita ko" sagot ko
" Ano?" tanong niya sa akin
" Isang anghel ang nakita ko, ang aking magiging future wife" sabi ko na ikangiti niya
" Ganun kabilis? Future wife agad?" tanong niya sa akin
" Oo pwede naman yun diba" sabi ko sa kanya
" Future girlfriend pa muna yun" sabi niya
" sana nga" sabi ko na ikatahimik niya.
" Ahh sorry! By the way ready ka naba mamaya?" tanong ko sa kanya
" Oo , may kunting kaba pero alam ko na manalo man o matalo, Ang mahalaga ay na experience kong maging ganito" sabi niya
" Manalo man o matalo, Ikaw parin ang pinakamaganda sa school na to" sabi ko
" Bolero" sabi niya
" Di totoo talaga" sabi ko.

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon