CHAPTER 74

653 16 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 74)

•RONNIE POV•

" Mag iingat ka anak" sabi sa akin ni mama.

Nandito kami ngayon sa labas ng bahay

" Kayo din dito, mag ingat kayo" sabi ko sa kanya

" Hanggang kailan kaba sa Australia?" tanong sa akin ni mama

" Hindi ko pa alam Ma eh.. Makikitira muna ako dun sa mga kapatid ni Papa" sabi ko

" Bakit pa kasi kailangan mong umalis" sabi niya

" Kasi naisip ko sa kabila nang maraming maraming problema kailangan ko ring magpahinga" sabi ko sa kanya

Napansin ko namang may sasakyang huminto sa tapat namin at bumaba nito si julia

" Ronnie!!" tawag niya sa akin at agad akong niyakap

" Aalis ka na ba talaga?" tanong niya sa akin

" Oo julia.. Mag ingat ka dito ah" sabi ko sa kanya

" Bakit kailangan mong umalis?" tanong niya sa akin

" Gusto ko lang magpahinga muna pero babalik naman ako" sabi ko sa kanya

" Ipangako mo yan ah.. Mamimiss ko lang kasi yung bestfriend ko" sabi niya sa akin

" Masaya ako na kahit hindi natuloy ang kasal natin tinanggap mo pa rin ako bilang kaibigan mo" sabi ko sa kanya

" Na realized ko din kasi na mas okay yung magkaibigan lang tayo" sabi niya

Napangiti lang ako at nagsalita na siya ulit

" Teka..paano na si loisa? diba sabi mo liligawan mo siya ulit?" tanong niya sa akin

" Wala na akong magagawa.. Kahit na sabihin pa nating mahal ko pa siya, may mahal na rin naman siyang iba" sabi ko

" Pero paano ka magiging masaya kung aalis ka. Paano mo sasabihin sa kanya na mahal mo pa siya?" tanong niya sa akin

" Kung kami talaga ang para sa isa't isa gagawa si tadhana para ipagtagpo kami ulit" sabi ko

" Sige alis na ako" sabi ko sa kanila at kumaway naman sila sa akin at pumasok na ako sa kotse at umalis na










•LOISA POV•

" Loisa hindi ka na ba talaga mapipigilan?" sabi sa akin ni Maris

Nandito silang lahat ngayon sa labas ng bahay..

" Oo nga loisa..tsaka matagal tagal pa ang balik mo dito sa Maynila" sabi ni Elisse

" Huwag kayong mag aala, babalik naman ako eh" sabi ko sa kanila

" Pero mamimiss ka pa rin namin" sabi ni Inigo

" Mamimiss ko rin kayo pero kailangan ko kasing sumama muna kay mama sa probinsiya para makatulong ako sa negosyo namin" sabi ko

" Sige basta mag ingat ka ah?" sabi ni Maris at nag group hug nalang kami

" Loisa!!!" rinig kong tawag sa akin at nung tumingin ako ay nakita ko si julia na patakbong lumapit sa akin

" Ju-julia?" pagtataka ko

" Julia anong ginagawa mo dito?" tanong ni Maris

" Nandito ako kasi may mahalaga akong sasabihin sayo" sabi niya sa akin

" Ano yun?" tanong ko

" Loisa kailangan mong pigilan si ronnie" sabi niya sa akin

" Ano bang pinagsasabi mo julia?" tanong ni elisse

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon