CHAPTER 40

635 12 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 40)

•RONNIE POV•

Pagkatapos naming maglinis kanina ay nilibot kami ni Mr. Jethro sa buong El Bemundo sobrang ganda ang bawat madadaanan namin kaya hindi na namin namalayan ang oras.

5:00 na rin ng hapon at nandito ako ngayon sa kabilang area ng El Bemu do which is makikita mo dito yung isang malaking pool na pagkalinis-linis dito kasi naisipan ni Mr. Flores na gawin namin ito at kasama din namin si Ms. Monte dahil si Sir Jethro naman ay nag asikaso sa mga kina loisa at iba pa naming kasamahan.

Tinupad kasi nila yung pangako nilang tutulungan nila ako sa plano ko.

"Sir Flores paabot nga ng gunting" sabi ni Ms. Monte kay Mr. Flores

"Sis bakit pa sir? tss last nalang ah" sagot naman ni Mr. Flores o Ms. Flores hahaha

" Oo na sis flores paabot na ng gunting" bawi ni Ms. Monte

"Yeaaah , mas magkakasundo tayo pag ganyan lagi ah?" sabi ni Sir Flores at agad namang iniabot niya kay Ms. Monte ang gunting

"Hahahaha oh ronnie excited ka mamaya no?" tanong sa akin ni Ms. Monte

"Opo. Excited na may halong kaba" sagot ko

"Magiging successful to, I swear" sabi ni Mr. Flores sa akin

"Sana nga sir eh" sabi ko

"Sis tinawag niya akong sir, di ko tanggap" sabi niya at may paiyak iyak pa

"Hahahaha" nagtawanan nalang kami ni Ms. Monte at nagpatuloy nalang kami sa ginagawa namin







•LOISA POV•

Nandito kaming lahat ngayon sa Gym, Para kaming nagpa-party dito dahil sa music na nakisabay na rin sa kaingayan namin.

"Loisaaaa? Loisaaaaa naririnig mo baaa akoooo" sigaw sa akin ni Maris

"Oooooo" sagot ko

"Hindi ko maiintindihaaaan kooong baaakit nagiiing ganitooo ditooo" sigaw niya pabalik sa akin

"Akoooo din eeeeh walaaa akoooong ideaaa" sigaw ko din sa kanya

"Bakaaaa namaaaan trippp tripp lang toooo ni Sirrrr Jethroooo" sigaw niya

"Siguroooo ngaaaa" sigaw ko

Sigawan lang kami ng sigawan dito hanggang sa nawala yung music at kami naman ay naging kalmado na dahil katulad ng malakas na music sobrang lakas din ng heart beat ko nakisabay na din.

"Haays, buti namaaaan aaaat nawalaaa naaa" sigaw ni Maris

"Huy makasigaw ka dyan, wala na yung music" sabi ko

"Ay oo nga pala, pero teka lang bakit di natin tanungin si sir jethro kung anong trip niya?" tanong sa akin ni Maris

" Tara" sabi ko at kami naman ay naglakad na papunta kay Sir jethro

"Sir?" tawag ni Maris

"Oh Ms. Racal, Ms. Andalio?" sabi ni sir sa amin

"Sir? bakit po parang ang weird ng atmosphere dito sa gym. Nagpapatugtog pa kayo ng pagkaingay-ingay na music" sabi ni Maris sa kanya, tumayo naman si sir at humarap sa amin ng nakangiti

"Hmmm, wala lang kasi pampawala daw ng pagod yung music , eh diba napagod kayo sa kakalinis kanina" sagot ni sir

"Yun lang ba talaga yun sir? o baka naman may surprise party po kayo sa amin?" singit naman ni elisse na ngayon ay nasa tabi na namin

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon