CHAPTER 16

635 12 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 16)

•RONNIE POV•

Time check: 7:30am na kanina ko pa hinihintay si Loisa dito sa labas ng bahay nila kasi gusto ko sanang sabihin na hahabol nalang ako sa paglilinis kasi may training kami ngayon.

Habang hinihintay ko siya napansin ko namang bumukas yung pinto at lumabas yung kapatid niya. Nakita niya siguro ako kaya lumapit na siya sa akin

" Ano po yun kuya Ronnie?" tanong niya sakin

" Ah andiyan paba ate mo?" tanong ko sa kanya

" Hala kuya umalis na po kasama niya si kuya Joshua" sabi niya

" Ah ganun ba . Ohsige alis na rin ako salamat" sabi ko at sumakay ka saka pinaharurot ng takbo yung sasakyan ko.








•LOISA POV•
" Di ka ata dinaanan ni Ronnie?" biglaang natanong ni Joshua sakin

" Bakit? kala mo ba gusto ko ding magpa daan sa kanya" Sabi ko na ikatawa niya

" Mabuti naman kung ganun kasi alam mo naman na ako lang ang pwedeng kasabay mo diba?" sabi niya sakin

" Oo na " sabi ko at nagpa check na ng ID.

Pagkapasok namin sa campus agad na din akong nagpaalam

" Ah Josh punta muna ako sa Office ni Mrs. Alvarez ah" sabi ko

" Sige. saka pag nagugutom ka sabihan mo lang ako" Sabi niya sakin

" Di naman kasi ako bata. Huwag mokong bini-baby" sabi ko at natawa nalang kami

" Sige na pasok na rin ako" Sabi niya

" Sige" sabi ko at nauna nang umalis papuntang Office.

Pagkarating ko sa Office nadatnan ko na si Mrs. Alvarez dun

" Wala paba si Mr. Alonte?" tanong niya sakin

" Wala pa po ata Maam eh" sagot ko

" Sige mauna ka nalang" sabi niya
Kahit na ayaw ko naman talagang pumunta dun mag isa ay ginawa ko nalang. Tss. Sa susunod talaga na papasok ako ng school magpapa late
na talaga ako para siya yung mauna.






•RONNIE POV•

"Mr.Alonte buti naman at nakarating ka" sabi ni Coach sakin

" Oo ah Sir pwede ba akong pumunta muna sa Principal's------" pinutol na niya yung sasabihin ko

" Okay team!! Start na" sabi niya at tinapik ako sa balikat

" Start na kayo" sabi niya at umalis.
Ano ba pwede kung gawin? Sigurado akong naglilinis na si Loisa dun.









•LOISA POV•

"Kung mawalay ka sa buhay ko!!! Kung pag ibig ko ay maglaho pano na kaya ang mundo!!! Kung sa oras di ka makita kung ikay napakalayo na!! may buhay pa kayo tong puso!! yan lang ang maaari natin sadyang makakamtan , habang akoy may buhay. Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo" Napapakanta nalang ako dito sa CR kasi nakaka boring.
Bigla ko namang naalala si Ronnie. Yung time na nagkabanggaan kami sa Smart Gymnasium tapos nung muntik na niya akong masagasaan tapos nung natumba kami. Tapos ito na naparusahan na kami kasi nang dahil sa kanya nabasag yung Trouphy ng Marcus High.

"KAMALASAN!! KAMALASAN!! PWEDE MO NA BA AKONG IWAN? O KAMASALAN!! HUWAG MO NA AKONG LAPITAN! KAMALASAN!!! KAMALASAN!! HINDI KITA KAILANGAN!!" Napapatula narin ako
Hays!! bakit ang tagal ni Ronnie. sana dinalhan niya ko ng Foods para makapag relax ako. hehe pero teka galit pala siya sakin dahil dun sa sinabi ko. Tss. bahala na!





•JULIA POV•
Nasa tapat na kami ngayon ng CR ni Sue

" Julia? kailangan ba talaga natin tong gawin?" tanong sa akin ni Sue

" Pwede ba Sue? tulungan mo nalang ako dito sa dinadala ko" sabi ko.

Nagdala ako ng balde na may tubig at kung ano anong basura like yung malalata.

" Ang baho" reklamo niya

" Pwede bang huwag kang mag inarte" sabi ko at nauna nang pumasok.

Dahan dahan kung binuksan ang pinto at pumasok. Nagdala narin ako ng upuan para patungan ko.

" Julia?" bulong sa akin ni Sue

" Manahimik ka" sagot ko

Tiningnan ko muna ang ilalim kung saan siya naglilinis and finally nakita ko rin. Dahan dahan kung nilagay ang upuan at pinatungan ko ito saka sinimulang buhatin ang balde at yun nga nakita ko siya.
Good Luck sa Amoy Ms. Loisa Andalio

" Ahhhhhhhhhh" sigaw niya at dali dali akong bumaba saka lumabas

" Julia , bakit mo ba kasi ginagawa yan kay Loisa?" tanong sa akin ni Sue

" Pwede ba tigilan mo na yang kakakampi sa malanding yun. tsaka dont you ever telling her na ako ang gumawa nun kundi lagot ka sakin" Sabi ko at nauna nang umalis.
Well.Well Well. Tingnan lang natin kung hanggang saan yang tapang mo.



• RONNIE POV•

" 20 minutes break" Sigaw ni Sir agad naman akong tumakbo papuntang office kahit na pawis na pawis pa ako.

" Oh Mr. Alonte late ka ata , andun na si Ms. Andalio nauna na" sabi ni Maam

" Sige po" sabi ko at hingal na hingal na huminto muna ako. Kailangan kung tulungan si Loisa

Agad akong tumakbo papuntang CR.





• LOISA POV•

Sino naman ang mag iisip na gawin sakin to? Hindi ito masasabing aksidente lang kasi nanggagaling ang tubig sa itaas tapos may narinig pa akong apak ng mga paa na tumatakbo palabas.

Nandito ako ngayon sa loob parin wala akong nagawa kundi ang umupo iyak ng iyak.

Narinig ko naman ang pagbukas ng pinto at alam ko kung sino yun.

" Loisa san ka?" tawag sa akin ni Joshua

" Joshua? andito ako" Sigaw ko at binuksan niya

" Anong nangyari???" gulat niyang tanong

" May kung anong nagbuhos sa akin hindi ko alam kung sino" sagot ko na di parin tumitigil sa pagpatak ng mga luha ko.

Agad siyang lumapit at niyakap ako

" Joshua!!!" tawag ko sa kanya na umiiyak pa rin
" Shhh huwag kang mag aalala andito ako" sabi niya



• RONNIE POV•

"Shhhh huwag kang mag alala andito ako" sabi ni Joshua habang yakap yakap parin si Loisa.

Huli na ako sa nangyari. Nagsisisi na ako ngayon kung bakit mas inuna ko pa ang basketball kesa sa kanya sana di nangyari to!

" Loisa?" tawag ko at agad naman akong tiningnan ni Joshua at tumayo saka ako tinulak.

" Ano bang ginawa mo ah?" tanong niya sa akin habang hawak hawak yung t shirt ko

" Wala akong ginawa!!" sagot ko sa kanya

" Wala? huh? bakit wala ka dito ! Bakit di mo tinulungan si Loisa!!!" sigaw niya sakin

" Pwede ba Joshua wala kang alam!!!" sigaw ko sa kanya pabalik.

Agad naman niya akong sinuntok at yun napaupo ako. Bigla akong tumayo at sinuntok din siya pero bago yun nangyari hindi ko namalayan na natumba na si Loisa.

Humarang siya para depensahan si Joshua at siya ang nasuntok ko.

" Loisa????" sigaw namin ni Joshua at sinubukan siyang gisingin pero ayaw na.
Umupo ako sa tabi niya

" Loisa gumising ka please!!!" sigaw ko at wala na akong nagawa kundi ang buhatin siya para dalhin sa Clinic.
Sorry Loisa ! Sorry.







(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon