CHAPTER 60

448 9 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 60)

• RONNIE POV•

" Good morning Ma" bati ko kay mama nang makalabas na ako ng bahay

" Good morning anak. Alam mo namiss ko na tong ganito eh yung pagkagising mo babatiin mo agad ako" sabi niya

" Dont worry Ma, araw araw na kitang babatiin" sabi ko sa kanya

" Oh halika na kumain na tayo" sabi niya

" Tamang tama gutom na rin po kasi ako eh hindi ako kumain kagabi" sabi ko sa kanya at umupo na

" Anak! sa school kana ba ngayon pupunta? hindi na sa bar?" tanong niya sa akin

" Ma sorry po ah! pinaaral niyo po ako para pumasok sa skwela pero nitong nakaraang araw sa bar ako pumupunta.. Promise Ma papasok na po ako ngayon ng school" sabi ko sa kanya

" Okay lang anak.. sige kumain kana diyan" sabi niya sa akin at tinuloy ko na ang pagkain

Pagkatapos kong kumain ay agad na rin akong lumabas ng bahay at sumakay na sa kotse ko.

This time, aayusin ko na ang sarili ko. Babalik na ako sa dating ako at kalimutan na ang dapat kalimutan!!

Ilang minuto ang nakalipas at nakarating na ako sa Marcus High University. Pinark ko na agad ang kotse ko

" Good morning Manong Guard" bati ko sa guard namin at pumasok na sa campus!

" Oh my god si ronnie alonte"

" Nag iba na siya no? simula nung maghiwalay sila ni loisa"

" Oo nga"

Rinig kong usap-usapan ng mga tao sa paligid ko. Agad ko naman silang nilapitan

" Miss hindi ako nagbago, ako pa rin ito at hindi ko na hahayaang isang babae ang magpapabago sa akin.. hindi na maaari yun" sabi ko sa kanila at nagpatuloy na sa paglalakad

Sa kalayuan palang ay nakita ko na sila Inigo at Mccoy. Kumaway naman ako sa kanila pero iniwasan lang nila ako ng tingin.. Agad ko naman silang nilapitan!

" Bro" bati ko sa kanila

" Ah ronnie" sabi ni Inigo

" Hi" bati ni Mccoy

" Ano ba kayo? ang weird niyo ha! Alam kong naiilang kayo ngayon sa akin. Sorry na! Ako na ulit to" sabi ko sa kanila

Nagtinginan naman sila sa isa't isa at sabay na nakahinga ng maluwag.

" Haay salamat naman" sabi ni Mccoy

" Welcome back bro" sabi ni Inigo sa akin

" Friends na ulit tayo?" tanong ko sa kanila

" oo naman" sagot nilang dalawa

" Ah by the way Inigo, lilipat ako ng classroom ikaw ba?" tanong ko sa kanya

" Lilipat ka bakit?" tanong niya sa akin

" Trip ko lang" sagot ko sa kanila

" Ah doon nalang ako sa classroom natin" sabi niya

" Okay" sagot ko

" Saan ka lilipat?" tanong ni Mccoy

" Sa classroom ni julia" sabi ko na ikagulat nila

" Sa classroom ni julia!!!" sabay nilang sabi

" Oo bakit bawal naba?" tanong ko sa kanila

" Ay hindi naman.. Tara na" sabi ni Mccoy

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon