CHAPTER 73

531 11 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 73)

•LOISA POV•

•••••••••••1 month later•••••••••••••••••

" Good morning Ma!!" bati ko kay mama nang makalabas ako ng kwarto

" Bakit ngayon ka lang gumising?" tanong niya

" Ma ang sarap po ng tulog ko eh anong oras na ba?" tanong niya sa akin

" 10am na ng umaga" sabi niya na ikalaglag ng panga ko

" Bat di niyo po ako ginising Ma!!" sabi ko sa kanya

" Eh kasi napasarap ang tulog mo" sabi niya

" Oo nga ate tsaka saan ba ang punta mo?" tanong ni kisses sa akin

" Hindi niyo ba alam kung saan ang punta ko?" tanong ko sa kanila

" Hindi" sabay nilang sabi

" Grabe naman kayo..hindi niyo ba naalala na uuwi tayo ng probinsiya ngayon" sabi ko sa kanila

" Oo nga pala.. Hala sige na kisses mag impake kana ng mga gamit mo!!" sigaw ni mama kay kisses at nagmamadali na silang nagtungo sa kwarto nila

Uuwi kami ng probinsiya ngayon para maipagpatuloy yung restaurant ni mama doon. Babalik lang kami dito sa Maynila pag makakapag simula na ako sa work ko








•MARIS POV•

" Okay class Dismiss" sabi ko sa kanila at nagsilabasan na sila ng classroom

Umupo na muna ako saglit dahil kanina pa ako pagod na pagod!

" Good morning!!" sabi ni Inigo at pumasok na sa classroom

" Oh bakit nandito ka wala ka bang pasyente ngayon?" tanong ko sa kanya

" Meron" sagot niya

" Oh eh anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

" Dinalhan lang kita ng pagkain" sabi niya

" Eh paano naman yung mga pasyente mo? Hahayaan mo nalang silang magtiis sa sakit ng mga ngipin nila?" tanong ko sa kanya

" Binibiro lang kita.. Pina break muna ako ni Doc. Kenneth at siya muna ang pumalit sa akin" sabi niya

" Akala ko pa naman pinabayaan mo lang sila eh" sabi ko sa kanya

" Hindi naman ako ganung doctor. Hindi ko sila kailan man pinabayaan at inaalagaan ko sila ng maayos katulad ng pag alaga ko sayo" sabi niya sa akin

" Nambola pa" sabi ko at kumain na kami







• ELISSE POV•

Nandito ako ngayon sa building kung saan nagta-trabaho si Mccoy. Wala naman akong work ngayon kaya naisip kong bisitahin siya at nagdala na rin ako ng pagkain

" Good morning. Wala ka bang work ngayon?" tanong niya sa akin

" Wala naman kaya naisipan kong puntahan kita dito" sabi ko sa kanya

" Ano yang dala mo?" tanong niya sa akin

" Nagluto ako sa bahay.. Baka kasi hindi ka pa kumakain" sabi ko sa kanya

" At nagdala na rin ako ng para sa inyo" sabi ko at iniabot sa mga kasamahan niya

" Wow naman elisse.. Ang sweet pala pag may girlfriend kang Chief no? gusto kong magka girlfriend ng katulad niya" sabi ng isang kasamahan nila

" Ako din gusto ko din!!" sigaw pa nung isa

" Kumain na nga kayo diyan" sabi sa kanila ni Mccoy

" Salamat elisse..Oh umuwi kana may pag uusapan pa kasi kami para sa painting na inorder ng kabilang company" sabi niya

" Galingan mo ah." sabi ko at hinalikan niya ako sa cheeks

" Basta para sayo" sabi niya






•LOISA POV•

Sobrang saya ng naging buhay namin ngayon.. Si Maris nagsimula nang magturo, Si Inigo naman ayun naging dental surgery na. Si Elisse naman laging busy sa pagiging chief habang si Mccoy naman lagi nalang na pro-promote dahil sa mga magagandang paintings na na nagawa niya!

Si Joshua.. naging engineer na rin siya at ako naman?

Ito masaya na din! Sana wala nang problemang dumating









STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon