CHAPTER 14

674 13 0
                                    

STILL INTO YOU

( Chapter 14)

•LOISA POV•

So yun nga , ako lang mag isang naglilinis dito sa Gym. Alam na niyang may kailangan pa siyang trabahuin dito inuuna pa yung Julia na yun. Eh bat ba kasi ako pumayag? tss.

" Loisa?" tawag sa akin ni Joshua na paparating na

" Oh Joshua bakit di kapa pumasok?" tanong ko

" Bigay ko lang sayo tong tubig baka kasi wala kang tubig dyang dala" sabi niya

" Tamang tama kasi wala talaga akong dala" sabi ko at natawa naman siya

" Bakit ka pala sinundo ni Ronnie kanina?" tanong niya agad sa akin

" Hindi naman niya ako sinundo , dinaanan lang" sabi ko

" Parang ganun narin yun. Bakit ba?" tanong niya sakin

" Kasi-----"
" Loisa?" tawag sa akin ni Ronnie na paparating

" Ah sige na Joshua pumasok kana sa Classroom mo. Baka malate kapa" sabi ko kay Joshua

" Sige huwag kang magpapakapagod ah?" sabi niya sakin at tumango nalang ako

" At ikaw?" sabi ko kay Ronnie
" Bakit?" sagot niya

" Buti naman no? naisipan mo pang bumalik at tulungan ako" sabi ko sa kanya at itinuloy ko nalang yung paglilinis ko

" Kumain kana?" tanong niya sa akin

" Hindi pa. Maglinis ka na nga dyan alam mo namang first day natin ngayon sa paglilinis tapos pag nakita tayo dito ni Mrs. Principal na nag uusap lang, eh malalagot na naman tayo tsaka------" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang wala na pala siya sa likod ko. Ang galing! sige patay ka sakin pag bumalik ka.

" Loisa?" tawag niya sa akin

" Huwag mokong kausapin" sabi ko

" Oh " sabi niya tapos may inabot na pagkain

" Pagkain?" tanong ko at humarap sa kanya

" Alam ko kasing kunti lang yung kinain mo kanina sa bahay niyo" sabi niya at kinuha na sakin ang walis na dala ko

" Maupo kana dun , kumain ka ako muna dito" Sabi niya at sinunod ko naman siya

Pumunta nalang ako sa gilid at kumain na nga.

Kahit naman pala papaano may kunting kabaitan din tung si Alonte eh!






•JOSHUA POV•

Bakit parang napapalapit na si Loisa at Ronnie? Baka naman lagi nalang siyang ihahatid ni Ronnie sa school. Eh pano na'ko? Di pwede , di pwedeng lagi silang ganito kailangang may gawin ako.

"Joshua?" tawag sa akin ni Julia

" Bakit?" tanong ko sa kanya

" Galing ka dun sa Gym no?" tanong niya sa'kin

" Oo " sagot ko

" Nagtataka ka rin siguro kung bakit sila nagkasama kanina" Tanong niya sakin

" Oo." sagot ko

" Kailangang may gawin tayo" sabi niya

" Anong binabalak mo?" tanong ko sa kanya

" Wala!hehe" sabi niya saka umalis na.

Tama si Julia kailangang may gawin kami para di na'to maging permanente.





•RONNIE POV•

Nararamdaman ko yung pananakit ng likod ko dahil sa kakayuko.

"Ronnie? tulungan na kita" Sabi ni Loisa

" Tapos ka nang kumain?" tanong ko sa kanya

" Oo." Sagot niya
" Loisa teka lang" sabi ko at humarap sa kanya

" Bakit?" tanong niya
" May pagkain sa gilid ng labi mo" sabi ko at kukunin ko na sana nang naunahan na niya.

" Salamat" sabi niya at itinuloy na ang paglilinis

" Kaano-ano mo si Joshua?" tanong ko sa kanya

" Kaibigan" sagot niya

" Kaibigan lang ba talaga?" tanong ko

" Oo bakit ano paba?" tanong niya

" Wala naman" sagot ko

at nagpatuloy nalang kami sa paglilinis





• JOAO POV•
" Huy? Sue pansinin mo naman ako" tawag ko sa kanya kanina pa kasi niya ako hindi pinapansin

" Ano ba? mag focus ka nga dyan" sabi niya saka ulit nag concentrate dun sa pinag aralan niya

" Uy? Sue di ko alam sagot eh ano ba?" tanong ko ulit sa kanya

" Pwede ba Joao mag aral ka rin paminsan minsan" sabi niya at kinuha yung notebook saka nilagyan ng answer.

"Thankyou" sabi ko at cinopy ko nalang yun.





• INIGO POV•

"Maris? okay ka lang ba talaga?" tanong ko sa kanya nasa library kami ngayon

" Hindi Inigo" sagot niya na parang hindi nga talaga siya okay

" Andito lang ako . Dadamayan kita" Sabi ko sa kanya

" Thankyou Inigo ah lagi kang andyan para sakin" Sabi niya

" Okay lang yun hinding hindi ako mawawala sayo" sabi ko sa kanya na ikangiti niya

" Maris?" tawag sa kanya nang isang lalaking nasa di kalayuan sa amin

" Inigo mauna kana" Sabi ni Maris sakin

" Teka pa' no ka?" tanong ko sa kanya
" Okay lang ako dito" sabi niya

" Teka kilala mo ba yang lalaking yan?" tanong ko sa kanya

" Umalis kana Please" Sabi niya sa'kin

" Sige" sabi ko at tumayo na saka
umalis pero bago paman ako makalabas ng Library ay huminto muna ako sa tabi ng lalaki

" Kung may balak ka mang saktan si Maris. Ako ang makakalaban mo" Sabi ko sa kanya

" Sino kaba?" tanong nya sakin

" Sino ako? Ako lang naman ang taong makakaharap mo pag sinaktan mo si Maris. Tandaan mo yan" yun nalang ang nasabi ko at umalis na nang tuluyan




•MARIS POV•

Pagkaalis ni Inigo ay agad namang lumapit sa akin si Mccoy

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

" Maris gusto kitang makausap" sabi niya

" Ano yung kailangan pa nating pag usapan?" tanong ko sa kanya

" Maris? Sorry!" yun ang sabi niya

" Sorry din Mccoy" sabi ko

" Maris? na realized ko na naging selfish ako. Hindi ko man lang iniisip yung nararamdaman mo nung hiniwalayan kita. Sorry" Sabi niya

" Sorry din kasi nasaktan kita" Sabi ko sa kanya

" Pwede ba kitang mayakap?" tanong niya sa'kin

" Oo naman" sagot ko saka kami tumayo at nagyakapan sa isa't isa.
Kumawala agad kami sa pagyakapan

" Can we still be friends?" Tanong ko sa kanya

" Yes" sagot niya at sabay narin kaming lumabas. Mas okay na din sakin to yung kahit wala na kami ni Mccoy magkaibigan parin kami!






(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon