STILL INTO YOU(Chapter 67)
•LOISA POV•
Nandito na ako ngayon sa classroom! Actually kanina pa ako tinatawag sa gym kasi magsisimula na ang competition!
" Loisa!!" tawag sa akin ni joshua
" Kaya mo to!!" sabi niya at hinawakan ang kamay ko
" CALLING FOR MS. LOISA ANDALIO PLEASE PROCEED TO THE STAGE NOW!" sabi nung Mc
" Joshua kinakabahan ako" sabi ko sa kanya
" Para saan pa't nandito ako" sabi niya
" Tiwala lang okay? kakayanin mo to basta pag naramdaman mong kinakabahan ka tumingin ka lang sa akin" sabi niya sa akin
Bigla naman akong nagkalakas ng loob nang sabihin yun ni joshua..
Sabay na kaming naglakad at nagtungo na sa stage.
Mukhang ako na nga ang hinintay nila kasi nandito na silang lahat pati si Maris at .....RonnieKinakabahan naman ako nang titigan ako ni ronnie! Pero tumingin lang ako kay joshua katulad ng sabi niya kanina!
" OKAY SO SINCE KUMPLETO NA ANG LAHAT! LET THE COMPETITION BEGIN!" sabi nung Mc at binuksan na namin yung questionnaire!
Sa una madali lang kaya tuloy tuloy lang yung pagsagot ko pero nung makarating ako sa kalagitnaan ay hindi ko na matandaan yung pinag aralan ko kagabi.
Palingon lingon ako sa mga katabi ko at lahat sila at naka focus lang! Parang naging madali lang sa kanila yung mga katanungan!
Nagsimula na akong kabahan pero nung si joshua na ang tingnan ko ay nahagip naman ng paningin ko si ronnie na nakatingin na din pala sa akin ngayonTeka....bakit ganito? bakit ganito yung nararamdaman ko.. akala ko ba si joshua yung nagpapawala ng kaba ko pero nung tinitigan ako ni ronnie parang sinasabi ng mga mata niya na laban lang!! laban lang loisa!!
Iniwas ko na agad ang tingin ko at bigla ko nalang naalala yung pinag aralan ko kagabi!•ELISSE POV•
Nandito kami ngayon sa gym, kanina pa nagsimula yung competition pero hindi pa rin sila natatapos! Hanggang sa nakita naming nagtaas na ng kamay si ronnie at kasunod nun ay si maris at si loisa at hanggang sa lahat na ng contestant ay natapos na..
" Haay salamat naman at natapos na rin" sabi ko
Bumaba na sila ng stage at lumapit na sa amin si loisa at Maris
" Yey! natapos rin" sabi ko sa kanila
"Oo nga eh akala ko nga hindi ako matapos kaagad" sabi ni Maris
" Loisa kamusta naman sayo?" tanong ko kay loisa
" A-ah okay naman" sagot niya
Lumapit naman sa kanya si joshua ar binigyan siya ng tubig kasabay nun ay pinunasan ang pawis niya.
Nakatingin lang kami ni Maris, Inigo at Mccoy sa kanila
" Maris lapit ka nga" sabi ni Inigo sa kanya
" Bakit?" tanong ni Maris
Nabigla naman kami ng pinunasan din siya ni Inigo at pinainom ng tubig
" Lalanggamin kayo niyan guys promise" sabi ko sa kanila
Natawa nalang kami at naglakad na papuntang canteen!
3:00 pm nag start yung competition kasi wala kaming pasok kaninang umaga!
BINABASA MO ANG
STILL INTO YOU
Teen FictionLove? sabihin na nating nandyan yung saya, kilig, excitements, inspiration, and mostly yung sakit. Love? sa totoo lang dumarating yan in an unexpected way eh, Accidentally kayong mag meet. Love? masasabi nating pag tinamaan tayo , tinamaan talaga t...