CHAPTER 24

636 12 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 24)

•INIGO POV•

Napag usapan na namin ni Maris ang gagawin naming performance! Bukas sa makalawa na pala yung event kaya mas naging prepared kami ni Maris! saka okay na din yung nangyari , wala na kaming ilangan sa isa't isa makakahintay naman ako sa tamang panahon na makasama ko siya.

" Oh Inigo?" tawag sa akin ni Elisse

" Elisse? anong magandang pang regalo" Tanong ko sa kanya

" Ah! lalaki ba o babae?" tanong niya

" Babae" sabi ko

" Anong okasyon ba?" tanong niya

" Birthday" Sabi ko

" Sa tingin ko yung dapat hindi nauubos, necklace nalang" sabi niya

" Pwede rin. Sige salamat ah" sabi ko

" Teka, Inigo? birthday pala ni Maris this coming sunday" sabi niya saka umalis.

Alam ko! kaya nga ako bumili ng pang regalo kahit kailan talaga itong si Elisse di maka gets!






• MCCOY POV•

" Bro? San mo ba kasi yun nilagay" tanong sa akin ni Joao

" Nasa kahon ko lang naman yun nilagay" sabi ko sa kanya

Naghahanap kami ngayon ni Joao sa nawawalang gift ko para kay Maris! Di pwedeng mawala yun.

" San kaba last tumambay?" tanong niya sa akin

Agad ko namang iniisip kung saan nga ba ako huling umupo kasi nasa bulsa ko lang yun eh! Nang biglang may sumagi sa isipan ko

" Alam ko na, sa canteen doon ako last umupo eh" Sabi ko at lalabas na sana kami ng biglang pumasok ang prof namin kaya hindi nalang kami tumuloy.







• ELISSE POV•

" Mars? sabi mo sasabayan mokong mag lunch?" tanong ko kay Maris sa phone

" Sorry , May pinapagawa kasi sakin si Mr. Lopez susunod nalang ako" Sabi ni Maris sa kabilang linya

Pagkatapos naming mag usap ay kumain nalang ako mag isa dito sa canteen!

Hays! isa talaga sa pinakaayaw ko sa lahat , eh yung nag iisa ako! Si Loisa naman may klase pa , si Maris ayun may ginagawa!

Bigla ko namang nabitawan yung fork ko kaya yumuko ako para kunin yun ng may isang kulay maroon na kahon akong nakita! Pinulot ko ito at nagpalinga linga muna ako kasi baka may makakakita at agad ko itong binuksan!

" WOW" manghang mangha kung sabi pagbukas ko sa kahon. Isang napakagandang necklace ang tumambad sa akin! Na may pendant na M? Ang cute!!!

Tinago ko nalang ito sa bulsa ng palda ko saka tumayo! kung sakaling may maghahanap nito sana makita ko para maibigay ko to sa kanya!









•JULIA POV•

" Julia? I have a good news!!!" sigaw sa akin ni Sue.

Nasa labas pa kami ng classroom kasi wala pa silang klase at wala din kaming klase

" Sisiguraduhin mo lang na matutuwa ako nyan Sue ah!" sabi ko sa kanya

" Kami na ni Joao" sabi niya saka naman ako napangiti at yumakap sa kanya!

" Im so happy for you Sue, sana tuloy tuloy na yan ah" sabi ko sa kanya

" Thankyou" sabi niya at agad namang bumalik yung itsura ko sa pagiging masungit!

" Oh? bakit ganyan agad ang mukha?" tanong ni Sue

" Imagine Sue, Since nasa West High palang tayo ako na lagi ang kasama ni Ronnie pero ngayon nag iba na siya" Sabi ko

" Bakit? anong na naman bang nangyayari?" tanong niya sa akin

" kaya niyang kalimutan yung pagkakaibigan namin para lang sa loisa na yun." sabi ko

" Baka naman may nagawa kang masama kaya nasabi ni Ronnie yun?" tanong niya

" I admit na marami nga akong nagawa kay Loisa pero I can't really imagine na ganun siya , ganun siya kalakas para kay Ronnie na pati yung pagkakaibigan namin ay masisira" sabi ko

" You know what Julia? ibalik mo yung dating ikaw sa West High!" sabi niya na ikatingin ko sa kanya

" Hindi ko kayang maging mabait sa tuwing makikita kung magkasama sila ni Loisa" sabi ko

" Mamaya nalang natin yan pag uusapan. Kailangan ko nang pumasok sa class" sabi ni Sue at nakig beso-beso muna sakin saka umalis!
Minsan talagang napapaisip ako kung may nararamdaman kana ba ronnie kay Loisa! pero ayaw kung totoohanin yun. Hindi pwede!









(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon