CHAPTER 48

497 12 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 48)

• JOSHUA POV•

Nandito na ako sa classroom, discuss ng discuss lang ang ginagawa ng prof namin kaya hindi nalang ako nakinig. Ang mas pilit kong inintindi ay yung pangyayari kanina.

Bakit naging ganun si Ronnie kay Loisa, matagal na ba itong nangyari nung wala pa ako. Lagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi na ako makikialam sa kanila pero sa nakikita ko ngayon mas kailangan ko pang bantayan si loisa, mas kailangan niya ako ngayon.

" Okay Class Dismiss" sabi ng prof namin kaya agad ko na ring niligpit ang mga gamit ko at nagmamadaling lumabas.

Sakto namang pagkalabas ko ay nakita ko sa di kalayuan si Ronnie kaya hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya

" Ronnie" tawag ko sa kanya

" Joshua? nagbalik kana pala" sabi niya sa akin

"Ronnie ano yung nangyari kanina?" direkta kong tanong sa kanya

" Ano bang nangyari?" tanong niya rin sa akin

" Huwag mong ibalik sa akin ang tanong ko, sagutin mo nalang. Matagal mo na bang iniiwasan si loisa?" tanong ko sa kanya

" Alam mo Joshua, kahit kailan ang tigas pa rin ng ulo mo. Sinabi ko na sayo noon pa na hayaan mo akong alagaan si loisa. Ang problema kasi sayo masyado ka nang pakialamero" sabi niya sa akin

" At tandaan mo rin Ronnie, Sinabi ko na rin sayo noon pa man na kapag sinaktan mo si loisa hindi ako magdadalawang isip na bawiin siya sayo. Hindi mo ba alam na sobra siyang nasaktan kanina ha? O wala ka nang pakialam kahit masaktan pa siya" paliwanag ko sa kanya

Wala siyang naisagot at tinitingnan lang niya ako ng pagkasama-sama hanggang sa umalis na rin siya at ako naman ay dumiretso na rin sa canteen.

Hindi ko na hahayaang maulit pa ito!







•LOISA POV•

Nandito ako ngayon sa canteen. Sobrang nakakapanibago lang na hindi ko kasama si Ronnie ngayon, parang dati lang siya yung laging nauuna dito tapos may order na nakalagay sa mesa.

" Loisa" tawag sa akin ng paparating na julia at umupo siya sa harapan ko

" Julia" tawag ko din sa kanya

" Loisa? didiretsuhin na kita ah? Ano bang nangyari sa inyo ni Ronnie?" tanong niya sa akin

" Yun din ang hindi ko alam eh, kahapon okay pa naman kami" sagot ko sa kanya

" Sobrang nakakapanibago siya kanina. Bigla nalang niyang kinuha yung kamay ko at nilagay sa braso niya" sabi niya sa akin

Natahimik nalang ako sa sinabi niya yun, nakakapanibago nga'

" Pero Loisa don't get me wrong ah? Sa katunayan nga ayaw ko sa ginawa niyang yun para namang pinagseselos ka niya. Pero dont worry kakausapin ko siya" sabi niya sa akin

" Ah Julia, huwag na ako nalang ang kakausap sa kanya nakakahiya naman kung ikaw pa. Problema namin to at ayokong madamay ka pa" sabi ko sa kanya

" Okay, basta ayusin niyo to ah?" sabi niya sa akin

" Oo" sagot ko

" Okay bye na, may klase pa ako eh" sabi niya at umalis na rin agad.

Kailangan ko siyang makausap, kailangan kong malaman kong anong problema niya at aayusin namin to!

Aalis na sana ako nang makita ko si Ronnie malapit sa akin at nakakatitig lang siya sa akin.

Dahan dahan naman akong lumapit sa kanya at ngayon ay malapit na kami sa isa' isa.

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon