STILL INTO YOU
(Chapter 47)
•RONNIE POV•
" Yun naba ang plano mo? tutulungan kita diyan" sabi sa akin ni Inigo
" Deal, ako din" sagot naman ni Mccoy
" Ako din" sabi ni Joao
" Salamat sa inyo. Gusto ko lang talagang maging special ang araw na yun para kay loisa" sabi ko sa kanila
" Huwag kang mag alala, kasama mo kami diyan, gagawin naming special ang araw na yun para sa inyo ni loisa" sabi ni Mccoy
" Sige na pumasok na kayo sa classroom niyo" sabi ko sa kanila at nagsialisan naman si Joao at Mccoy
Nag usap lang kami ni Joao tungkol sa assignments namin at bigla namang dumating si Julia
" Hi guys" bati niya sa amin
" Hello Julia wala ka bang klase ngayon?" tanong ni Inigo sa kanya
" Kaaalis lang ng prof namin nabored kasi ako sa classroom kaya naisipan kong pumunta dito sa canteen" sabi niya sa amin
" Julia hindi pa pala ako nakapagpasalamat sayo" sabi ko
" Para saan naman?" tanong niya
" Alam kong hindi naging maganda ang nangyari noon, maraming nangyari na hindi natin ginusto pero ngayon nagiging okay na lahat" sabi ko sa kanya
" Small things Ronnie, As your bestfriend gusto ko ding maging masaya ka kaya masaya din ako" sagot niya
" Valentines na sa makalawa, anong plano mo?" tanong ni Inigo sa kanya
" Hmm! siguro sa bahay lang wala naman akong gagawin eh" sagot niya
" Sumama ka nalang sa amin, may gagawin kasi kaming preparation para sa special surprise ni Ronnie kay Loisa" sabi ni Inigo sa kanya
" Sure! I want to help" sagot niya
" Ah Julia huwag nalang kayang kaya naman namin yun eh baka mapagod ka pa" sabi ko sa kanya
" Dont worry Ronnie, I just wanna help so what's the plan?" tanong niya sa amin
Ikinuwento naman ni Inigo sa kanya ang gagawin namin at mukhang naiintindihan naman yun ni Julia.
•ELISSE POV•
Natapos na ang klase namin kaya nandito muna ako sa garden! Masarap tumambay dito lalo pa't math yung subject namin kanina kaya matatanggal talaga ang pagod mo dito.
" Elisse" rinig kong tawag sa akin ng isang pamilyar na boses
" Ah Mccoy" tawag ko sa kanya at lumapit naman siya sa akin
" Madalas ka din ba dito?" tanong niya sa akin
" Ah oo. Malapit lang kasi ito sa classroom namin kaya ito ang madalas kong mapuntahan" sagot ko sa kanya
" Here" sabi niya at may inabot sa akin na rose
" Ang ganda naman nito san mo nabili?" tanong ko sa kanya at tinanggap ang bigay niyang bulaklak
" Kinuha ko lang diyan sa tabi-tabi, nagagandahan kasi ako eh" sabi niya
" Thank you" sabi ko
" Elisse, ang ganda mo ngayon"sabi niya
" Ano bang pinagsasabi mo" natatawa kong sabi sa kanya
" Elisse? may gusto sana akong sabihin sayo" sabi niya
BINABASA MO ANG
STILL INTO YOU
Teen FictionLove? sabihin na nating nandyan yung saya, kilig, excitements, inspiration, and mostly yung sakit. Love? sa totoo lang dumarating yan in an unexpected way eh, Accidentally kayong mag meet. Love? masasabi nating pag tinamaan tayo , tinamaan talaga t...