CHAPTER 75

1.2K 20 39
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 75)

{•••••••••••1 year later••••••••••••}

•LOISA POV•

Isang taon na ang nakalipas at masayang masaya na kami sa mga buhay namin ngayon.. Si Maris at Inigo ay ikinasal na. Si Elisse at Mccoy naman ay may bagong blessing na dumating sa buhay nila. Si Sue at Joao ay mag asawa na rin.

Ang daming nangyari na hindi namin inaasahan, katulad nalang nang pwede pa rin pala kaming maging masaya sa kabila nang mga problema.

Buo pa rin kami ngayon at may kanya kanyang nang negosyo. Minsan naman lumalabas pa rin kaming lahat katulad ng mga ginagawa namin noon

Kami naman ni ronnie............

" Loisa tinatanggap mo ba ang lalaking ito na maging iyong asawa sa hirap at ginhawa?" tanong sa akin ni Father

" I do father" sagot ko

" Ikaw naman Ronnie. tinatanggap mo ba ang babaeng ito na maging iyong asawa sa hirap at ginhawa?" tanong naman ni father sa kanya

" I do father" sagot niya

"I announced you as a husband and wife. You may now kiss the bride" sabi ni father at humarap na kami sa isa't isa at dahan dahan niyang inilapit sa akin ang mukha niya at hinalikan ako sa labi

" Mabuhay ang bagong kasal!!!" sigaw ng mga kaibigan namin

Umakyat naman silang lahat dito sa altar at nag picture taking na kami!

Pagkatapos ng kasal at dumiretso na agad kami sa venue para sa celebration at sobrang saya ng mga tao

Nandito na kami ngayon sa harapan ng mga tao at hawak ni ronnie ang microphone para magsalita

" Beh ngayong kasal na tayo ipapangako ko sayong aalagaan kita" sabi niya sa akin

" Beh sa kabila ng mga pagsubok, ngayong kasal na tayo ipapangako ko sayong aalagaan din kita" sabi ko sa kanya

" Masaya ako dahil hindi na kita girlriend ngayon. Asawa na kita kaya labis akong nagpapasalamat kay god na ikaw yung nagiging asawa ko at magiging ina ng mga anak natin, soon" sabi niya

" Sobra din akong nagpapasalamat kay god kasi hindi ka inilayo sa akin at binigyan pa rin niya tayo ng isa pang chance para maging masaya" sabi ko sa kanya

" Mahal na mahal kita" sabi niya sa akin

" Mahal na mahal din kita" sagot ko at hinalikan na niya ako sa noo

Sobrang saya ng kaganapan na nangyari dito. Sobrang sarap sa pakiramdam na mag asawa na kami ni ronnie. Bubuo ng pamilya na masaya




•RONNIE POV•

" Beh gising na!!!" sigaw sa akin ni loisa na ngayon ay pinagbabato na ako ng unan

" Beh inaantok pa ako" sabi ko

" Gumising kana nga. tayo na!!" sabi niya

" Beh 5 minutes lang" sabi ko sa kanya

" Hindi mo ba ako sasamahang kumain?" tanong niya sa akin

" Mamaya na beh" sabi ko sa kanya

" Tss" sabi niya.

Napansin ko namang parang natahimik na siya kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko nalang siyang nakaupo lang sa kama

" Nagtatampo agad si beh!!" pangungulit ko sa kanya

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon