CHAPTER 23

658 11 0
                                    

STILL INTO YOU

   (Chapter 23)

•JULIA POV•

Nasa labas na ako ngayon ng gymnasium , hindi pa ako agad pumunta ng classroom kasi may pag uusapan pa daw kami ni Ronnie. Pero mukhang natagalan na naman siya , malamang andun pa siya sa loisa na yun. Mula nung nag transfer kami dito , lagi nalang silang magkasama at ako nalang ang laging naiiwan!

" Julia?" tawag sa akin ng isang pamilyar na boses

" Oh bakit ang tagal mo?" tanong ko kay Ronnie

" May pinag uusapan lang kami ni-------" pinutol ko na ang sasabihin niya

" Si Loisa , si loisa na naman ba?" tanong ko

" Julia, alam mo namang kami yung mag partner para sa event" Sabi niya sakin

" Kahit na ronnie , kahit pa hindi kayong mag partner kayo pa rin ang laging magkasama" Sabi ko sa kanya

" Magka klase din kami Julia , " sabi niya sa akin

" Masyado na kayong magkalapit Ronnie! Ako na naging kaibigan mo mula nung mga bata pa tayo. Ako pa talaga ang naiiwan ngayon dahil lang sa Loisa na yan" Sabi ko

" Bakit kaba galit na galit sa kanya? Wala naman kaming ginagawa ni Loisa." Sabi niya sa akin

" Wala? talaga lang ah? Iwasan mo siya Ronnie" Sabi ko sa kanya na ikabigla niya

" Bakit ko naman siya iiwasan?" tanong niya sakin

" Kasi naiinis na ako sa kanya. Sa katunayan kulang pa yung mga ginawa ko sa kanya" Sabi ko na ikabigla niya.

" Anong ibig mong sabihin?" tanong niya sa akin

" Ah Wala! wala akong sinabi tara na" yaya ko sa kanya pero napigilan na niya ako.

" Teka nga Julia, May dapat ba akong malaman?" tanong niya sakin

" Wala!" sagot ko

" Julia? may nalaman ako sa pinaggagawa mo" Sabi niya sakin na ikabigla ko

" A-anong ibig mong s-sabihin?" tanong ko sa kanya

" Ikaw ang gumawa kay Loisa dun sa CR diba?" tanong niya sa akin

" Wala akong alam dyan" sabi ko

" Julia, huwag mo nang i deny. Alam ko na" Sabi niya

" Pwede ba Ronnie! Hindi ko nga alam ang pinagsasabi mo" deny ko

" Julia ito tatandaan mo. Pag may mangyari pa kay Loisa nang dahil sayo kakalimutan ko na naging magkaibigan tayo" Sabi niya saka umalis.

Kaya mo ba talagang ipagpalit ang pagkakaibigan natin para kay Loisa? ganun ba siya ka importante kesa sakin Ronnie?











• JOSHUA POV•

" Loisa?" tawag ko sa kanya

Magkasama kami ngayon ihahatid ko lang sya sa classroom niya

" Oh" sagot niya

" Mukhang feeling comportable ka pag kasama si Ronnie no?" tanong ko sa kanya

" huh? bakit mo naman naitanong yan?" tanong niya sakin

" Wala lang" sabi ko

" Oo , pero alam kung mas komportable ako pag kasama ka" Sabi niya sa akin

" Kala ko pa naman nakalimutan mo na ako" Sabi ko sa kanya

" Haha bakit naman kasi kita kakalimutan." sabi niya sa akin

" Kasi andyan si ronnie" sabi ko na ikahinto niya

" Joshua! Huwag mo namang bigyan malisya yung pagsasama namin ni Ronnie" Sabi niya sa akin

" Sorry. tara na " sabi ko at sabay na kaming nagpunta sa classroom niya.











• JOAO POV•

" Teka anong ginagawa natin dito Joao?" tanong sa akin ni Sue

Dinala ko siya dito sa rooftop. Wala pa naman kaming klase ngayon kasi meeting ng mga teachers.

" Sue? kaya tayo andito ngayon kasi may gusto akong sabihin sayo" Sabi ko sa kanya

" Ano?" tanong niya sa akin

" Sue? alam kong hindi ka maniniwala sa akin kasi kilala moko bilang isang joao na hindi seryoso sa ibang bagay" Sabi ko sa kanya

" Ano ba kasi ang gusto mong sabihin?" tanong niya sa akin

" Sue! Mahal kita" Sabi ko na ikabigla niya

" Seryoso kaba?" tanong niya saki

" Sue , sana paniwalaan mo ko kasi ito talaga ang totoo.Mahal kita , gusto kita" sabi ko sa kanya

" Joao? sorry kung laging mainit ang ulo ko sayo , sorry kung lagi kitang pinagtatabuyan, sorry kung masungit ako sayo. Kaya ko lang nagawa yun kasi ayaw kung mahalata mo yung nararamdaman ko" Sabi niya sakin

" Ang nararamdaman mo para sakin?" tanong ko sa kanya

" Hindi ko inakalang pareho tayo ng nararamdaman" Sabi niya sakin
na ikatuwa ko.

" Kung ganun mahal mo din ako?" tanong ko sa kanya

" Oo Joao , mahal na mahal kita" Sabi niya at hindi ko na napigilang yakapin siya!

" Sue? sobrang saya ko kasi finally tayo na" Sabi ko at agad naman siyang bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya
" Tss, di ka pa nga nanligaw" sabi niya at tumalikod sa akin

Habang nakatalikod siya dali dali naman akong tumakbo at may kinuha









•SUE POV•
Mahal namin yung isa't isa pero di pa siya nanligaw. tss bahala siya sa buhay niya!

Pagharap ko ay laking gulat ko nung nakita ko kung anong ginawa ni Joao.

May dala siyang flowers , teddy bear na malaki and chocolates? Waaah! this is gonna be the sweetest moment in my Life!

" Pwede ba kitang ligawan?" tanong niya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak na lumapit sa kanya saka siya niyakap!

" Yes Joao." sabi ko at sa di mapaliwanag na dahilan bigla niya kung kinarga at pinaikot ikot sa ere!

" HAHAHA! Uy Joao ibaba mo na ako" sigaw ko sa kanya

" Isigaw mo munang mahal moko" Sabi niya

" Ano kaba nakakahiya , nasa rooftop pa naman tayo" Sabi ko sa kanya

" Hindi kita ibababa " sabi niya

" Oh ito na" sabi ko at humugot muna ng malalim na hininga!

" MAHAL KITA JOAO!!!" Sigaw ko kaya agad naman niya akong binaba
"Mahal din kita Sue , more than my life" Sabi niya saka niya ako hinalikan sa Noo.

Only Joao can make my life complete! Ngayong andito siya , siya ang aking magsisilbing buhay , pang habang buhay!!!











(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon