CHAPTER 34

589 14 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 34)

• RONNIE POV•

Nasa gym kami ngayon for the final practice, Bukas na yung national contest at kailangan naming mas gagalingan pa para maipanalo ang pangalan ng school namin.
Sobrang busy na dito sa campus , wala nang time para sa regular class busy ang lahat sa practice.

" Okay Guys, galingan niyo sa practice na ito para handang handa na kayo bukas" sabi sa amin ni Coach.

So ayun, nag practice pa kami ng ilang round hanggang sa nag dismissal

Habang nakaupo ako dito sa gilid ng gym ay nilapitan naman ako ni coach

" Mr. Alonte?" tawag niya sa akin
" Ano yun Coach?" tanong ko
" Sigurado ka bang maglalaro ka? baka naman magalit sayo ang West High University dahil dito ka kumampi sa amin?" tanong niya sa akin
" Coach! kayo na yung naging kakampi ko, kayo na ang bagong team ko" sagot ko
" Maraming salamat Alonte, kung di dahil sayo hindi ko maima-manage yung buong team na ako lang mag- isa, salamat at tinulungan moko" sabi ni coach at tinapik ang braso ko

Tumango nalang ako at umalis na din siya pagkatapos nun.
Since, wala naman na kaming practice naisipan kong puntahan sa ibang area ang volleyball team at bumili na rin ako ng tubig baka walang dala si loisa na tubig.

Habang papalapit ako sa kanila ay di ko pa rin talagang maiwasan na humanga sa kanya. Yung tipong malayo palang maaaninag mo na yung mala-anghel niyang mukha.

So ayun, nakalapit na ako sa kanila at sakto namang dismiss na rin nila kaya nilapitan ko na rin siya.

" Oh my god!!!! its ronnie ang hot niya!!!!" rinig kong sabi ng mga babaeng nadadaanan ko.

"ang gwapooo niya talaaaaaga" sigaw pa nung iilan sa kanila.

Hindi ko nalang din pinansin at tinuloy nalang ang paglalakad papunta kay loisa.

Nang makalapit na ako ay agad naman siyang napatingin sa akin.

" Loisa?" tawag ko sa kanya
" Oh, Ronnie? anong ginagawa mo dito?" tanong niya sakin
" Ah, dismissal na kasi samin, kaya naisipan kong puntahan ka dito" sagot ko
" Ah, kami rin eh dismissal na" sabi niya
" May tubig ka?" tanong ko
" Ay, wala eh bibili nalang naman kasi ako sa canteen mamaya" sabi niya
" Huwag na, may dala akong tubig dito. Syempre ayokong mauhaw ang prinsesa ko" sabi ko na ikangiti niya at tinanggap ang tubig.
" Salamat, nag abala ka pa" sabi niya
" Sa akin yan, binawasan ko na nga yan eh" sabi ko na ikatingin niya sa akin
" Joke lang. haha binili ko talaga yan para sayo" sabi ko
" Akala ko naman sayo talaga" sabi niya
" haha" tawa ko

Nasa ganun kaming sitwasyon nang lumapit sa akin si Julia.

" Ronnie?" tawag niya sa akin
" Ah Julia" tawag ko din sa kanya
" Pinapasabi pala sa akin ng mommy mo na umuwi na daw tayo agad" sabi niya
" tayo? kasama ka?" tanong ko sa kanya
" Yes, may sasabihin lang daw siya sa ating dalawa" sabi niya at napatingin siya kay loisa.
" Sorry, Julia pwede namang mauna ka nalang" sabi ko
" Hindi mo ako sasamahan?" tanong niya
" May kailangan pa akong gawin" sabi ko at hinawakan ko na ang kamay ni loisa para umalis na.

Alam kong kabastusan at kawalan ng respito yung ginawa kong pagtalikod kay julia, pero nagagawa ko lang naman ito dahil ayokong si loisa ang mapaglalabasan niya ng galit.









• INIGO POV•

"Pumapayag kana?" tanong sa akin ni Elisse
" Oo elisse, pero sa isang kondisyon" sabi ko
" Ano yun?" tanong niya
" Huwag na huwag mong sasaktan si Maris, Alam ko na kahit ayaw mo pang sabihin may kaunting galit ka kay Maris dahil lagi pa rin siyang nilalapitan ni Mccoy" paliwanag ko
" Yun lang ba? well, tumutupad naman ako sa usapan inigo eh makakaasa ka. At tsaka kahit naman hindi mo sabihin hinding hindi ko talaga yun gagawin, bestfriend ko si Maris alam mo yun" paliwanag naman niya
" Basta Elisse, ang plano lang ay paglayuin sila" sabi ko
" Oo" sagot niya
" Aalis na ako" sabi ko at tumango nalang naman siya.

Ayoko sanang gawin to pero agree ako sa plano ni elisse. Kung hindi kami gagawa ng paraan para maipaglayo sila sa isa't-isa , baka maulit muli yung dating pagmamahalan nila at ayokong mangyari yun.









• JOAO POV•

"Bro? handa ka naba para bukas?" tanong ko kay Mccoy
" Oo naman, matagal ko na atang napaghandaan" sagot niya
" Alam mo, parang ayaw ko nang umalis sa school nato" sabi ko
" Ako din, kapag naipanalo natin ang larong ito bukas , makakabalik na tayo sa West High University(WHU)" sabi niya
" Kung pwede lang mag stay dito eh, gusto ko nang manatili pa dito" sabi ko
" Bakit naman? eh makakasama mo pa rin naman si sue sa WHU diba?" tanong niya
" Hindi para kay sue, kundi para sa mga memories ko dito, Sa school na ito ako sinagot ni Sue" sabi ko
" Haays! ewan ko sayo" sabi niya.

At umalis na rin siya, Kaya naman pinuntahan ko na rin si sue at niyaya ko syang mag meryenda.







(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon