CHAPTER 52

435 8 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 52)

•JULIA POV•

Nandito ako ngayon sa school. Kanina pa ako dito dahil gusto kong maabutan si ronnie.

Maya't maya pa ay nakita ko na ang kotse niya at nakita ko na ring bumaba na siya kaya agad ko naman siyang sinalubong.

" Good morning ronnie" bati ko sa kanya

" Good morning din, ang aga mo ah" sabi niya sa akin

" Sinadya ko talaga kasi gusto lang kitang maabutan, minsan kasi pag dumating ako dito nauunahan mo na ako" sabi ko sa kanya

" Ah ganun ba" sabi niya

" Ronnie, Next week na pala yung 1st monthsarry niyo ni loisa no?" tanong ko sa kanya

" Ah oo, saan mo nalaman?" tanong ko sa kanya

" Ah diba alam ko yung date nung naging kayo ni loisa kaya alam ko" sabi ko sa kanya

" Oo nga pala" sabi niya

" Gusto mo tutulungan kitang i prepared yung perfect date niyo?" tanong ko sa kanya

" Ah julia no need na kasi ayaw ni loisa nang ganun eh, ayaw niya yung masyadong sosyal gusto niya yung simple lang" sabi niya sa akin

" Ah ganun ba, ang weird naman ni loisa dapat bongga yun kasi 1st monthsarry niyo yun" sabi ko

" Haha okay lang, yun din naman ang gusto ko eh" sagot niya

Nakita ko naman sa likuran ni ronnie ang paparating na si loisa pero nasa gate lang siya at hindi siya pinapapasok. Bigla ko namang hinawakan ang mukha ni ronnie, pagkukunwaring may langaw.

" Ah ronnie, sorry ah may langaw kasi eh" sabi ko sa kanya

" Haha okay lang sige punta na tayong classroom" sabi niya sa akin

Nakita ko namang nakatingin lang sa amin si loisa pero hindi ko nalang siya pinansin pa at nagpatuloy na kami sa paglalakad!









•LOISA POV•

Nakita ko sila ronnie at julia na naglalakad sa campus, aaminin kong medyo nagselos ako sa kanila pero wala nang dahilan pa para pigilan ko sila dahil kahit masakit nakatadhana pa rin silang ikasal!

" Ah Ms.Andalio sorry pero hindi kana pwedeng pumasok" sabi sa akin ni Manong guard

" Po? teka bakit?" tanong ko sa kanya
" Yun ang utos ng principal" sabi niya sa akin

" Studyante ako dito at scholar may karapatan akong pumasok" sabi ko sa kanya

" Sorry po talaga iha, utos po talaga yun sa akin ng principal" sabi niya sa akin

" Manong guard, papasukin niyo po ako para alamin kong bakit hindi ako pwedeng papasukin please" sabi ko sa kanya

Nag iisip naman siya at pinapasok na ako. Nang makapasok na ako ay dumiretso na agad ako sa principal's office.

" Excuse me Maam" sabi ko sa kanya

" Come in" sabi niya

" Maam kanina po ayaw akong papasukin ng guard, sabi niya pinapautos niyo raw po yun nandito po ako kasi gusto kong alamin kung bakit?" sabi ko sa kanya

" Well Ms. Andalio tama ka, pinapautos ko yun kasi tanggal kana sa school na to" sabi niya sa akin na ikabigla ko

" Po? bakit po Maam wala naman po akong mga violations at pasado po ako sa mga grades ko" sabi ko sa kanya

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon