CHAPTER 9

727 16 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 9)

•JOSHUA POV•

"Kuya alis kana?" tanong sa akin ni Nash

"Di pa naman maliligo pa nga ako eh" sagot ko sa kanya

"Ngeh? diba tapos kanang maligo?" tanong niya

" Ah kakain pa ako" sabi ko ulit

" Ngeh? nag toothbrush ka na nga eh" sabi niya

" Kaya nga diba? tapos na akong maligo at kumain natural aalis na ako" sabi ko sa kanya

" Oo nga no" sabi niya na ikatawa ko

" Ikaw talaga kahit kailan di ka nag iisip" sabi ko at ginulo ulit yung buhok niya

" Eh! blooming si kuya kasi nga susunduin niya si ate Loisa" pahabol niya pa

" Dapat ganyan talaga bro , para mas mukhang gwapo pa ako sa paningin niya" sagot ko

" Umalis ka na nga kuya baka hinihintay kana ni ate Loisa" sabi niya at umalis na din ako. Malapit lang naman yung bahay ni Loisa at sakin kaya di mahirap lakarin.

Malapit na ako kina Loisa nang makita ko si Julia sa di kalayuan, Lumapit siya sa akin.

"Hey Josh" sabi niya

" Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya

" Dito lang din kasi ang subdivision ko and napansin kita kaya lumapit na ako" sabi niya

" Bakit ganyan ang uniform mo?" tanong ko sa kanya

" Ah! na transfer kami sa school niyo" sabi niya

" Excuse me" aalis na sana ako nang bigla niya kong hinarangan.

" Teka lang. Salamat pala" sabi niya

" Hindi ko naman talaga yun dapat ginawa eh" sabi ko at aalis na sana nang matanaw ko si Loisa na nakatingin sa amin.

Iniwan ko nalang siya at lumapit na ako kay Loisa pero nahabol padin niya ako at nagkita sila ni Loisa.

"Wait Josh" sabi ni Julia at dahan dahang napatingin kay Loisa

" Oh? Hi girl" sabi ni Julia kay Loisa
" Hello. Ah Joshua okay lang mauna nalang kayo" sabi ni Loisa sa akin

" Hindi Loisa. Sabay na tayo" Sabi ko

" Loisa?" singit ni Julia

" Oo." Sagot ni Loisa

" You mean Loisa Andalio?" tanong ulit ni Julia

" Oo ulit bakit?" tanong naman pabalik ni Loisa

" So sayong ID pala yung napulot ni Ronnie" sabi niya

" You mean kilala mo siya? Saan sya ngayon gusto kung makuha ang ID ko" Sabi ni Loisa

" Well, wala na sa kanya ngayon nasa ibang kamay na " sabi ni Julia

" Kanino?" tanong ni Loisa

" Ewan ko! Basta ang naalala ko lang ay tinapon niya yun at may nakakuhang pulubi malamang madumi na yun ngayon" Paliwanag ni Julia

" Pwede ba Julia. Umalis kana please," sabi ko kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis at sumakay sa kotse niya

" Kaano ano mo ba yun?" tanong sa akin ni Loisa

" Kakilala ko lang" sabi ko sa kanya at naglakad na kami.




• SUE POV•

Kanina pa ako dito naghihintay sa labas dahil baka dumaan sila Josh at Loisa nang maibigay ko sa kanya tung ID niya.

"Pinsan!" boses ni Joshua kaya agad na rin akong lumapit sa kanila

" Uy? Sue" sabi ni Loisa at nagyakapan kami

" Mabuti naman at napadaan kayo kala ko kasi nasa school na kayo eh" sabi ko sa kanila

" Maaga pa naman" sabi ni Loisa

" Oh Loisa bakit wala kang suot na ID?" tanong ko kay Loisa

" Naiwala ko nga eh tsaka bakit iba yang uniform mo bakit same tayo" tanong sa akin ni Loisa

" Ah eto ba. hehe kasi na transfer kami sa school niyo. Kasi naman diba yung Principal namin saka sa inyo ay magkaibigan eh nabalitaan ni Mrs. Legazpi na may laro daw kayo for National so naisipan nila na i transfer kami para ma train kayo" Paliwanag ko sa kanila

" Salamat Pinsan" sabi ni Joshua

" Okay lang yun" sabi ko

Napansin ko naman na natahimik si Loisa.

" Oh Loisa? bakit? may masama ba akong nasabi?" tanong ko sa kanya

" Hindi wala naman kasi naalala ko paano pa ako makapag practice kung di ako makakapasok" Sabi niya

" Dont worry" sabi ko sa kanya

" Bakit?" tanong niya

" Kasi makakapasok kana" Sabi ko na ikagulat niya

" Huh? anong ibig mong sabihin?" Pagtataka niya

" Kasi nasa akin ang ID mo. eto oh" sabi ko saka pinakita sa kanila

" Hala? Sue salamaaaat" sabi ni Loisa at niyakap ulit ako

" Nasayo pala , pinalungkot mo pa siya" sabi ni Joshua

" Haha. sorry oh sige tara sabay na tayo" yaya ko at sabay na kaming naglakad papuntang school





• MCCOY POV•

Kahapon ko pa hinahanap si Maris sa school pero hindi ko siya nakita. Gusto ko syang makita ulit. Namimiss ko na siyang makitang nakangiti pero ngayon lagi nalang siyang malungkot. Alam kung naging selfish ako kasi yung nararamdaman ko lang ang iniisip ko , ni hindi ko man lang magawang isipin yung nararamdaman niya.

" Uy? Mccoy" nandito pala si Elisse

" Ah huh" sabi ko

" Kanina ka pa malalim yung iniisip ah! Anong problema" sabi niya

" Ah Elisse pwede mo ba akong tulungan?" tanong ko sa kanya

" Oo naman basta para sayo" sabi niya

" Pwede mo ba akong tulungang mapalapit kay Maris" sabi ko sa kanya




•ELISSE POV•
"Pwede mo ba akong tulungang mapalapit kay Maris?" tanong sa akin ni Mccoy

Bakit ba lagi nalang si Maris Mccoy?

" Ah Sorry Mccoy kasi di kami magkaklase eh" sabi ko sa kanya

" Ah sige" sabi niya at tumahimik na naman yung paligid habang naglalakad kami.




(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon