CHAPTER 11

690 15 0
                                    

STILL INTO YOU

(Chapter 11)

•LOISA POV•

Pumasok ako sa Class ng wala sa mood. Yung tipong gusto ko ulit masampal ng Ilang beses yung Ronnie na yun. Urgh!!! Mawala na sana siya lagi nalang akong minamalas sa kanya.

" Oh Loisa ayan na naman yang Pisngi mo. Alam mo kunti nalang sasabog na yan, Bakit ba kasi iba yung Awra mo ngayon?" tanong sa akin ni Elisse kasi si Maris nasa Room na niya di kami magkaklase kami lang ni Elisse ang magkaklase.

" Elisse ? Pano ba magpapawala ng kamalasan?" tanong ko sa kanya

" Huh? eh bakit mo naitanong?" tanong niya sakin

" Kasi Elisse tuwing nakikita ko yang Ronnie na yan lagi nalang akong naaaksidente. Baka kasi sa susunod na magkita pa kami eh yun na ang magiging katapusan ko." sabi ko sa kanya

" You mean si Ronnie Alonte?" tanong niya sa akin

" Oo yung transferee from west High University" Sabi ko




•ELISSE POV•

"Oo yung transferee from West High University" Sabi ni Loisa

Patay na to! Eh ang kamalasan na sinasabi niya eh makakasama niya sa iisang classroom.

Napansin ko namang bumukas yung pinto at pumasok si Ronnie pero nakatayo palang siya malapit sa pinto kasi sinenyasan ko siya.

" Ah Loisa ano bang masasabi mo kay Ronnie?" Tanong ko sa kanya

" Alam mo Elisse yung Ronnie na yun ang masasabi ko lang ah! Gwapo nga siya eh di naman marunong rumespito , Gwapo nga siya di naman gentleman . Gwapo nga siya masungit naman. at Isa pa Gwapo nga siya Bastos naman. Urghh! Sana panghuling araw na to na makikita ko siya kasi kumakapit nalang lagi sa akin si Kamalasan pag andyan siya" Paliwanag niya kaya medyo natatawa na ako kasi tawang tawa na din si Ronnie.

Napansin ko namang lumapit si Ronnie sa kinauupan ni Loisa at bumulong.

" SO NAGWA-GWAPUHAN KA SAKIN?" Napansin kung nabigla si Loisa kaya agad siyang napatingin sa likuran niya and parang nag slow motion ang lahat. Para akong nanonood ng Sine.



•LOISA POV•
" SO NAGWA-GWAPUHAN KA SAKIN?" nabigla ako sa boses na yun kaya agad akong napaharap and nakita ko na naman siya.

Alam niyo yung tipong kahit na Kamalasan siya para sakin pag nagkalapit kami di ko maiwasang di matulala sa kanya. Parang ang lakas ng dating ng mga mata niya na parang akitin yung sakin.

" Araaay" Natauhan nalang ako nung bigla siyang sumigaw.

" Huh?! tanong ko

" Bakit kaba kasi nananampal bigla" sabi niya

Hindi ko alam na nasampal ko pala siya.

" Eh- eh- ka-kasi ang lapit ng mukha mo sakin" Sabi ko at ayan na naman yung nakakamatay niyang titig na parang nagagalit. Agad naman siyang umupo sa tabi ni Inigo.

Talagang ayaw na akong tantanan ni Kamalasan. Magkaklase ba naman kami.






• RONNIE POV•

" Masarap ba Bro?" tanong sa akin ni Inigo

" Bakit ganyan ang mga babae Bro" tanong ko sa kanya at natawa nalang siya pati si Elisse

" Yaan mo na Ronnie baka nabigla lang si Loisa kaya ka nasampal" sabi ni Elisse

" Pagsabihan mo yang kaibigan mo ah" sabi ko kay Elisse at muli naman silang nagtawanan.

Sobra na yung Sampal niya ah Baka naman suntok na to pag nagkataong magkalapit kami ulit. Tss!!





• MARIS POV•

Alam kung magkikita pa kami ulit. Alam kung darating yung pagkakataon na yun pero di ko naman akalaing magiging magkaklase pala kami ni Mccoy.

Ang masaklap pa eh magkatabi kami! Ayaw ko namang pansinin siya kasi alam kung galit siya sakin kaya wala na rin kaming pansinan.

" Okay Class" sabi ni Maam at nagsitahimikan naman kaming lahat

" Diba nasabi ko sa inyo kahapon na may magaganap na Mr. and Ms. Marcus High University" pagkasabi nun ni Maam agad naman na nag ingay ang Classroom.

" Kung sino man ang gustong mag audition ay pwedeng pwede. Remember walang Registration yun lahat Registered na kaya feel free kayong mag audition. " Mas lalo pang umingay ang classroom pagkasabi nun ni Maam.

Agad naman na napatingin sa akin si Maam.

" Ms. Racal Why did you join that program pwedeng pwede ka, " sabi ni Maam sa akin

" Ay sorry po Maam di po ako mahilig diyan" Reklamo ko

" Oh sayang naman yang ganda mo kung di mo ipapakita sa Buong Campus" Sabi ni Maam at umuling nalang ako sign na ayaw ko talaga

" Me Maam" sabi ni Julia at nagtaas ng kamay

" Well. Pwedeng pwede din sige punta ka nalang mamaya sa office ko at magpalista" Sabi sa kanya ni Maam and nagklase na ulit.







(Stay reading hope you'll like it)

-Authoriyaa💜

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon