CHAPTER 64

485 10 0
                                    


STILL INTO YOU

(Chapter 64)

•RONNIE POV•

Nagising ako sa isang maputing kwarto, sobrang tahimik. Bigla ko namang naalala na nahimatay pala ako kanina siguro dahil na rin sa malakas na ulan!

Sinubukan ko namang umupo at nakita ko nalang si julia na nakaupong natulog dito sa tabi ng kama ko.

Ang dami ko nang kasalanan sa babaeng to dati pa man! Sa mga pag iwas ko sa kanya noon at sa hindi ko pag appreciate sa mga efforts niya hanggang sa dumating ang araw na nasasaktan ko na siya!

Ito na ang pagkakataon para makabawi man lang ako sa mga kabutihan niya sa akin
Nagising naman siya at napatingin nalang sa akin

" Ronnie kanina ka pa gising? sorry ah nakatulog ako" sabi niya

" Hindi okay lang, ang sarap mo ngang panoorin eh" sabi ko sa kanya
" Sorry talaga" sabi niya

Sinubukan ko namang tumayo pero bigla nalang niya akong pinigilan

" Ronnie hindi ka pa pwedeng tumayo baka mahilo ka" sabi niya sa akin

" Julia okay na ang pakiramdam ko, tsaka gusto ko nang pumasok" sabi ko sa kanya

" Gusto mong pumasok para makita si loisa?" tanong niya sa akin

" Julia tapos na kami ni loisa, wala nang dahilan pa para gustuhin ko siyang makita" sabi ko






•LOISA POV•

" Sigurado ka bang papasok kana ngayon?" tanong sa akin ni joshua

" Oo naman" sagot ko

" Sige hintayin lang kita dito" sabi niya at pumasok na ako sa kwarto ko

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako saka lumabas na ng kwarto

" Tara na" sabi ko sa kanya at nauna na akong lumabas sa bahay

Nagsimula na kaming maglakad ni joshua. Yung totoo... ayaw ko pa talaga sanang pumasok ngayon kaya lang ayoko namang isipin ni ronnie na pinagsisihan ko yung ginawa ko kahapon! Kaya dapat magpakita ako sa school ngayon para maniwala siyang hindi ko na talaga siya mahal!!

" Loisa yung tungkol kahapon, totoo ba yun?" tanong ni joshua sa akin

" Anong sa tingin mo?" tanong ko sa kanya

" Alam kong hindi totoo yun" sabi niya

" Alam mo joshua yun yung isa sa mga pinakamaling desisyon na ginawa ko sa buhay ko... ang magsinungaling sa taong mahal ko na hindi ko na siya mahal" sabi ko sa kanya

" Mawawala din yang nararamdaman mo sa kanya..at kapag nangyari yun wala ka nang iisipin pa" sabi niya sa akin

" Huwag na nga lang natin tong pag usapan, nasa school na tayo eh" sabi ko at ipinakita na namin yung id namin sa guard







•JULIA POV•

Nandito na kami ngayon sa campus nang makita namin si joshua at loisa na paparating! Hindi ko nalang sana sila papansinin pero napansin na sila ni ronnie at nakatingin sa kanila!

Nagtama naman ang paningin naming apat at wala ni isa sa amin ang umiwas,

Hanggang sa lumapit na kami sa kanila, nagulat naman ako nang lapit na lapit na kami kay loisa at joshua! Akala ko kung ano ang gagawin ni ronnie pero.....

" Excuse me! " sabi ni ronnie at tumabi naman sila

Agad na ipinakita ni ronnie yung id ko at id niya at pumasok na kami sa campus!

STILL INTO YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon