“Epal”
Tahimik akong kumakain sa cafeteria
Habang kay crush ay nakatulala
Nang may kamay na humarang sa tuon ng aking mga mata
Aba, epal ‘to, ah!“Epal kang —” Ay ang guwapong nilalang
Biglang sabi ng isip ko, “Akin ka na lang!”
Hindi puwede! Magtigil kang malanding utak ka!
“Tunaw na ako,” sambit niya.‘Di ko namalayang nakatitig na pala ako
Sa mukha niyang kakambal ang salitang “perpekto”
Paano ba naman kasi, ang gwapong nilalang, o!
‘Yan tuloy, napatulala ako.Bigla niyang pinitik ang noo ko
Kaya bumalik na ang katinuan ko
“Ang sakit naman!” Mahina lang ‘yon pero pabebe ako
“Masakit ba? Halikan ko, gusto mo?”Napatulala ulit ako nang ngumiti siya
Tila natutuwa siya sa gulat kong mukha
Biglang bumilis ang tibok ng puso
Posible kayang sa epal na ito... ay mahulog ako?