“Pakawalan”
Ang tanga ko, ang tanga tanga tanga tanga ko
Pinapanood ko lang siyang maglakad palayo
Gusto ko siyang habulin at yakapin para patahanin
Ngunit tila may pumipigil sa akin.
Bawat hakbang niya palayo, nasasaktan ako
Parang paulit-ulit na dinudurog ang puso ko
Tumalikod ako at pinahid ang maiinit na luha
Ganito pala kasakit ang pakawalan siya.