*U*

24 6 0
                                    

“Umiiyak Ka Na Naman”

Tatlong katok sa iyong pinto
Umaasang ako’y pagbubuksan mo
Dahan-dahang ipinihit ang seradura
Sa loob ng kuwarto mo’y inilibot ang mata.

Sa iyong kama, ika’y nakaupo at nakayuko
Natatakpan ng iyong buhok ang mukha mo
Kaya’t hinawi ko ito
“Umiiiyak ka na naman,” sambit ko.

Mga mata mo’y namumugto
Masasagang luha’y patuloy sa pagtulo
Binigyan kita ng pampalakas-loob na ngiti
Ako ay naguluhan nang mas lalo kang napahikbi.

Alam ko ang iyong kahinaan
‘Pag umiiyak, ayaw mong sa ‘yo ay may nagpapatahan
Ngunit hindi ko mapigilang tapikin ang iyong likuran
Dahil sa paraang ito, loob mo’y mapagaan.

Hindi ko na natiis, niyakap kita
Ayokong umiiyak ka kaya biniro kita
“Ang pangit mo na nga, umiiyak ka pa.”
At sa sapak na natanggap ko, alam kong okay ka na.

Random PoetryWhere stories live. Discover now