“Things Explain Things”
Ang sakit siguro maging piso
Kasi saka ka lang pahahalagahan kapag nagkulang
Pati damit, pagkatapos kang gamitin ay papalitan
At laruan na pagkatapos paglaruan, pagsasawaan.
Ang hirap din maging hangin
Sasabihing mahalaga pero binabalewala
Para ring bola na pagkatapos paikutin
Ipapasa na lang sa iba.