“Tindig”
Mula noong araw na muli kitang nakita
Wala nang gabing hindi kita naaalala
Kapag pumikit ako, mukha mo ang nakikita
At sa panaginip ko’y nambubulabog pa.
Ayaw kong umasang ikaw nga ang aking nakita
Dahil alam kong nasa ibang lugar ka
Ngunit sa tindig mo pa lang, alam ko na
Umaasa akong landas nati’y magkrus sana.