“Kumpas”
Sa pagkumpas ng aking gitara
Ako’y nakalikha ng isang kanta
Ang mga laman ng mga nota at liriko
Simbolo ng pag-ibig ko sa iyo.Tulad ng pagsibol ng bulaklak sa hardin nito
Kasama ng nagliliparang mga paruparo
At ang bahagharing puno ng kulay
Ang siyang nagpabago ng aking buhay.Sa pagkumpas ng aking gitara
Hudyat na tapos na ang kanta
Ang mga nota at liriko ay nababalot
Ng matinding lungkot at poot.Nalanta ang mga bulaklak
Ang mga paruparo’y nalagasan ng pakpak
At ang bahaghari’y unti-unting naglaho
Naglaho katulad ng pagmamahal mo.