*N*

33 8 0
                                    

“Nagbago Ka Na”

Mula sa magarang kotse, ika’y bumaba
Suot ang matataas na takong, nakakalula
Sa braso’y may bag na mamahalin
Ika’y napapalamutian ng mga alahas, nakakanakaw-tingin.

Ang tindig mo’y hindi na tulad ng dati
Kung pumorma ka noon, daig pa’ng lalaki
Damit mo ngayo’y napakaiksi
Parang kinulang sa tela, saan ka ba nagpatahi?

Akma akong aalis nang tawagin mo ang aking pangalan
At nagulat ako, nakatayo ka na sa ‘king harapan
Sa una’y hindi ako makapagsalita
Akala ko kasi, hindi mo na ako kilala.

Pinasan kita nang magreklamo kang masakit ang iyong paa
Kumain tayo ng sorbetes sa ilalim ng punong mangga
Nagkukuwentuhan sa mga alaala mula pagkabata
Sa sobrang saya mo, nanghampas ka pa.

Ikaw pa rin pala ‘yung dati
Makulit, maingay pero maganda ang ugali
Akala ko kasi nagbago ka na
Akala ko lang pala.

Random PoetryWhere stories live. Discover now