“Sa Akin Ka Lang”
Tahimik lang kaming dalawa
Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita
Kasalanan ko naman kaya ako na
Bumuntong-hininga ako bago nagsimula.“Sige, pasensiya na. Hindi ko naman sinasadya.”
Nilingon niya ako at nilakihan ng mga mata
“Sinuntok nang hindi sinasadya? Sapakin kaya kita!”
O, ‘di ba, ang tapang niya.“May rason ako para suntukin siya.”
“Bigyan mo ako ng rason!” paghahamon niya
“Sa akin ka lang. Bawal ibahagi sa iba!”
At namula ang kaniyang mukha, kinikilig siya.“Pwes, kailan pa naging pag-aari ang tao?”
Nagtataray siya pero napapangiti ako
“Mula nang magpaangkin ako sa‘yo,” diretsong sagot ko
Hinalikan ko siya sa pisngi, hudyat na panalo ako.“Pero mali pa ring sinuntok mo siya!”
Ang kulit niya talaga, gusto pa yata humirit ng isa
Kaya mahal na mahal ko siya
At ang sarap ipagsigawan na “Sa akin siya!”